Miriam Vs Lacson, Lalong Tumindi

BINUWELTAHAN NI Sen. Panfilo Lacson si Sen. Mirriam Defensor-Santiago matapos siyang tawaging katawa-tawa at unconstituional ang iminungkahing pagbuo ng anti-graft body na tatawaging Presidential Commission Against Corruption pangangasiwaan ng dating mambabatas.

Sinabi ni Lacson na tila naging unintelligent at hindi umano pinag-aralan ng Senadora ang mga pahayag bago naglabas ng statement sa publiko.

Ayon kay Lacson, pinag-aralan niya ang desisyon ng Supreme Court (SC)  laban sa constitutionality ng Truth Commission.

Pero tila hindi raw nabasa ni Santiago na ibinasura ng Korte Suprema ang Truth Commission dahil ang habol lamang ay katiwaliang kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo taliwas sa kanyang panukala na tututok sa lahat ng uri ng katiwalian.

Nakasaad din aniya sa Article 7, Section 17 ng konstitusyon na may kapangyarihan ang pangulo na bumuo ng isang government office.

Maaalala na inihayag ni Santiago na maliban sa unconstitutional at illegal, ay immoral pa ang balakin ng dating mambabatas.

Binigyang-diin ng Senadora na walang kapangyarihan si Aquino na bumuo ng public office kaya’t kabobohan aniya kung maituturing ang panukala ni Lacson.

Tahasang sinabi pa ni Santiago na tanging Kongreso lamang ang may kapangyarihan na bumuo ng panibagong tanggapan o ahensya alinsunod sa umiiral na Saligang Batas at Administrative Code.

“Congress has not passed a law delegating to the President the legislative power to create a new office. Hence, Lacson’s plan violates not only the Constitution but also the Administrative Code and R.A. No. 6975, also known as the DILG Act of 1990,” ayon pa sa Senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.