Miriam Quimbao, bading ang Italyanong asawa kaya diniborsiyo?!

WALA RAW MUNANG balak ang mag-asawang Claudine Baretto at Raymart Santiago na sundan ang anak nilang si Santino, dahil masaya na raw sila sa kanilang dalawang anak.

Sa shooting ng pelikulang In Your Eyes na pinagsamahan nila nina Richard Gutierrez at Anne Curtis, naikuwento ni Claudine na napag-uusapan daw nila ni Raymart na baka puwede na siyang mabuntis uli para masundan na si Santino. Pero kapag tinatanong naman daw nila ang kanilang anak, ayaw raw nila dahil happy na raw silang dalawa lang.

Minsan daw gusto ng dalawang anak nilang magkaroon ng kapatid, pero madalas ay ayaw raw nila. May pagkaseloso raw ang mga anak nila at sa ngayon ay happy na raw silang dalawa lang muna.

Sey naman ni Claudine, sa sobrang puno ng schedule niya ngayon, mahirap daw na mabuntis siya. Kaya paplanuhin pa raw muna nila iyan ni Raymart.

Kunsabagay, malaki na ang bunsong anak nilang si Santino dahil nagka-crush na nga raw ito ngayon. Ang latest daw na type na type ng kanyang anak ay si Georgine Wilson. Nakita raw ito minsan ni Santino sa Manila Polo Club, at nagtanong daw talaga kung sino ang pretty girl na ‘yun. Pagkatapos nu’n ay sinabi raw ni Santino kay Claudine na gusto niyang makilala ang pretty girl na ‘yun. Kaya lang, hindi magkakilala sina Claudine at Georgina kaya ikinuwento na lang niya ito kay Richard na close naman kay Georgina.

Exclusive na na-interview si Claudine ng Startalk at tinanong ito kung puwede na bang mag-guest si Mark Anthony Fernandez sa drama anthology niyang Claudine.

“Okay na kami. Nagkausap na sila ni Raymart. Ayoko na lang ikuwento sa lahat pero matagal na kaming nagkaayos,” sagot ng aktres.

Kung sakaling may magandang materyal na puwede nilang pagsamahan sa Claudine, puwede naman daw depende sa availability ni Mark Anthony. Pero tingin ni Claudine, huwag muna ngayon, dahil medyo maaga pa.

Abangan n’yo sa Startalk ang kuwentong iyan at pati na rin ang exclusive interview namin kay Richard tungkol naman sa lovelife niya na ayaw muna niyang pag-usapan, pero obvious namang si Jewel Mische ito.

BUKAS DIN SA Startalk ay may exclusive interview rin kami kay Miriam Quiambao na ngayon lang na-grant ang annulment ng kanilang kasal, kasabay rin ang divorce nilang mag-asawa sa Hong Kong.

Kung natandaan n’yo pa, bukod sa Hong Kong ay nagpakasal din dito sa Boracay sina Mariam at ng kanyang Italyanong asawa. Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, nagkahiwalay rin at ngayon lang naayos ang legalidad ng hiwalayang ‘yun.

Maraming isyung dapat sagutin si Miriam dahil hindi malinaw kung ano talaga ang tunay na dahilan ng hiwalayan.

Totoo kayang sa loob ng ilang taon na pagsasama nila, anim na beses lang daw silang nagkainiig na mag-asawa?

May isyu pang bading daw itong Italyanong napangasawa niya kaya abangan kung ano nga ang sagot ni Miriam dito.

Abangan n’yo ‘yan dahil mas bonggang-bongga na ngayon ang Startalk namin na ka-back-to-back ng Showbiz Central.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Miriam Quimbao, bading ang Italyanong asawa kaya diniborsiyo?!

  1. SABAGAY SA PILIPINAS USO DIN IYAN LIKE SI PIOLO PRETEND PRETEND HINDI BADING PERO BADING NA BADING NAMAN

    • BASAHIN NYO AGAD ITO DAHIL MAYA -MAYA LANG BUBURAHIN NA ITO NG MODERATOR. NAGSULAT NA NGA SI “ENRICH”

      KAWAWA KA NAMAN. HUWAG MO KAMING ISAMA DYAN. IKAW LANG ANG FIL-AM NA TANGA. KAYANG BILUGIN NG MGA AQUINO ANG ULO MO. HINDI MO ALAM ANG TINATAGONG BAHO NITONG ANGKAN NA ITO. BAKIT HINDI KA MAGBASA O TANUNGIN SI NOYNOY ABNOY TUNGKOL SA HACIENDA LUISITA? SA SUBIC-TARLAC EXPRESSWAY? SA TOTOONG PSYCHIATRIC RECORD?SA SBA SECURITY AGENCY NI NOY NOY ABNOY? SA PAGMAMANI-OBRA NI CORY SA HACIENDA LUISITA? SA PAGTATAKSIL NI NINOY SA KASAMAHAN NYA KAYA SINABUGAN NG GRANADA, PERO NASAAN SYA? WALA SYA, NAGTAGO, DAHIL WINARNINGAN SIYA NG MGA KASAMAHAN NIYANG KUMUNISTA AT NPA NA SI JOMA SISON. ITANONG MO KUNG BAKIT PAG-UPONG PAG-UPO NI CORY AY BIGLANG PINALAYA SI SISON. ITANONG MO KUNG PAANO KINUPKOP NI NINOY ANG MGA NPA. DIYAN NAGSIMULA ANG MGA RALLY AT LAHAT NG KAGULUHAN SA ATING BAYAN DAHIL DESPERADO SI NINOY NA NASAPAWAN SIYA NI MARCOS AT HINDI MAKAPAGHINTAY SA PANAHON NYA KAYA WALA NG GINAWA KUNDI SIRAAAN SI MARCOS. PATI TAYONG MAMAMAYAN AY NADAMAY SA MGA RALLY AT LAHAT NG GULO NA SI NINOY ANG MAY KAGAGAWAN KASAMA NG MGA NPA, KB, CPP. IPASOK MO YAN SA KOKOTE MONG HANGIN ANG LAMAN.

      SI CORY ANO ANG GINAWA? MAGHIGANTI SA HALIP NA MAMUNO. MAGHABOL SA MGA YAMAN NI MARCOS NA SILA RIN NAMAN ANG NAGHATI-HATI. MAY NARINIG NA BA KAYO KUNG NASAAN NA YNUNG MGA ALAHAS AT MGA YAMAN NI MARCOS NA NAKUHA NILA? ANDOON SA KANILA AT LAHAT NG KAMG-ANAK NILA. YAN LANG ANG GINAWA NI CORY SALOOB NG ANIM NATAON BILANG PRESIDENTA. PAG HINDI NIYA NAGUSTUHAN ANG PRESIDENTE, MAG-EEDSA. AKALA MO NAMAN KUNG SINO NA FEELING NYA SIYA ANG SUSUNDIN SA HALIP NA ANG BATAS NATIN. AKALA NYA SYA ANG BATAS.

      KAYA NAGISING ANG MGA PILIPINO. WALA NG NANIWALA KAY CORY SA EDSA 3 AT 4. KAYA SIYA GALIT KAY ARROYO DAHIL HINDI UMOBRA ANG PABOR NA HINIHINGI NYA TUNGKOL SA HACIENDA LUIISITA DAHIL MALAPIT NG IBABA NG SUPREME COURT ANG HATOL NG PAG TERMINATE NG SDO AT KAILANGAN NG IPAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA. KUNG NAGTAGUMPAY SIYA SA EDSA 3 AND 4 KAWAWA ANG MGA MAGSASAKA.
      MABUTI NA LANG MARUNONG NG MAG-ISIP ANG TAONG-BAYAN.

      KAYA SIGE IBOTO NINYO SI NOYNOY PARA LALONG MAGING KAWAWA ANG MGA MAGSASAKA SA HACIENDA LUISITA.

      SIGE IBOTO NINYO SI NOYNOY PARA LALONG MA MANIOBRA TAO NG MGA AQUINO AT MGA ELISTISTA NA MATAGAL NA TAYONG PINAGLALARUAN AT PINAGKAKAKITAAN.

      SIGE IBOTO NINYO SI NOYNOY PARA LAGI TAYONG MAY EDSA. PARA MAGULO LAGI ANG PILIPINAS. MULA KAY NINOY, CORY, NGAYON NAMAN KUNG SAKALI SI NOYNOY, AY WALANG TIGIL NA KAGULUHAN. NGAYON PA LANG NAGBABANTA NA SI NOYNOY NA MAGEEDSA SYA PAG HINDI SYA MANALO. DAHIL DAW MATATALO LANG SIYA KUNG DADAYAIN SYA. WHAT A BULLY? MAKAPANGYARIHAN KASI ANG MGA KAMPON NILA.

      KAYA MGA PILIPINO KUNG GUSTO NINYONG LAGING MAY GULO SA BANSA NATIN, IBOTO NINYO SI ABNOY PARA LALONG MADIKTAHAN (ABNOY KASI) NG MGA NEGOSYANTE, NG AMERICA, NG CHINA AT LALO TAYONG MAGHIRAP.

      IBOTO NINYO SI ABNOY KUNG GUSTO NYO LALONG MAGYABANG SI KRIS LANDI. KAHAPON NGA LANG IANTAKE NA NYA AGAD SI PACMAN DAHIL SA SINABING “YONG IBA DYAN NA WALA NAMANG NAGAGAWA PARA SA BAYAN…” NAGWALA NA ANG KRIS NA TO EH HINDI LANG NAMAN KAPATID NYA ANG KANDIDATO. GUILTY KASI KAYA TINAMAAN AGAD. YAN ANG SINASABI KO SA INYO. MULA SA AMA, SA INA, SA KAPATID NA MALANDI, SI ABNOY PURO PAKIKIPAG-AWAY ANG GUSTO. HINDI NA MAKANTI. FEELING NILA SILA ANG BATAS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.