Miriam Quiambao, may payo kay Janine Tugonon

MAGANDA ANG advocay ni Miriam Quiambao na makatulong sa mga batang mahihirap na gustong makapag-aral sa pamamagitan ng World Vision. Layunin sa kampanya nilang “Celebrities for Children” ang makaipon ng pondo para sa maraming nagnanais na mga batang Pinoy na makatuntong sa paaralan.

Pero nauwi rin ang aming panayam sa kanya tungkol sa isyu naman ng kapwa niya beauty queen na si Janine Tugonon. Matatandaan kasing naging mainit na isyu ang hiwalayan nina Janine at boyfriend nitong si Jaypee Santos dahil daw sa bokalista ng international band na The Script na si Danny O’Donoghue.

Kabi-kabilang panlalait ang inani ni Janine sa mga social networking site dahil sa isyung ito. Though hindi pa naman daw nakausap ni Miriam si Janine, kaya nagpaabot na lang siya ng payo rito.

Aniya, “Ganyan talaga kapag pumasok ka sa showbiz. ‘Yung sa kanya, simula pa lang. Siguro, kung may maia-advice ako sa kanya, just take it in a stride.”

“As much as possible, she would have to leave a certain level of privacy for herself. Kapag nasa limelight ka na, parang lahat ng tao gustong makita ang lahat ng aspeto ng buhay mo.”

“Ganyan talaga kapag pumasok ka sa showbiz. May mga intriga, lalo na kapag pati personal life lumalabas sa media, so just take it in stride.”

 

INIINTRIGA NGAYON si Benjamin Alves dahil hindi raw naging maganda ang acting nito sa seryeng Unforgettable kaya raw ipinasok si Rocco Nacino. May nagsabi pa na hindi raw satisfied ang management sa acting na ipinakita niya. Ano kaya ang masasabi niya rito?

Kuwento ni Benjamin, “I never… I haven’t heard that pero I’m doing my best, it’s a very good experience for me… the whole time I’m with the show and I’m learning a lot. And I still realize that I still have a lot to learn and I really do my best and I hope that… people are happy about it. I try harder.

“Everytime na may taping naman po, I’m always open to suggestions and everything lalong-lalo na po ‘yung galing kay Direk.”

Ano naman kaya ang reaction niya na ipinasok daw si Rocco sa show para magkaroon ng bagong timpla ang istorya? Saad nito, “Well, I think it was necessary for the show na pumasok si Rocco, mas gumanda po ‘yung takbo ng istorya. I don’t know if that’s the reason but I have no control over that. You know, it just makes me act and try a lot harder because kasama ko si Rocco. Actually it makes me a lot comfortable sa set because Rocco’s a good friend. So, ‘pag nagkakasama na po kami, may rapport na po kami.

“So, I’m excited. I’ve never been insecure if someone is compared to me because I’m still new. So, if I get anything of Rocco’s coming into the show, I’m sure I’ll learn a lot from him ‘coz he’s the senior compared to me.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.