Miriam Quiambao, ka-date ang mister ni Maricel Laxa?! – Archie de Calma

HINDI PA NAMIN naitatanong kay Maricel Laxa kung ano ang ginagawa ng mister niyang si Anthony Pangilinan at ng former Miss Universe first runner-up na si Miriam Quiambao sa isang coffee shop sa medyo tagong sulok ng Podium kamakailan.

We won’t jump into a nasty conclusion. Ang alam namin, happily married sina Maricel at Anthony. Kaya lang kasi, very private ang kanilang married life kaya kung makikita ang bawat isa na may kasamang iba ay ikinagugulat ng marami, ‘di ba?

Besides, kung may milagro, hindi naman siguro sa isang mall makikita ‘yun. Anyway, sabi ng aming spy, nag-uusap lang naman daw sina Anthony at Miriam, and they are seated opposite from each other habang nag-uusap. Hindi naman daw sila magkatabi.

TAHASANG SINABI NGA ni Kris Aquino na tinanggihan siya ni Robin Padilla para sa isang gagawing teleserye ng action star sa Kapamilya network. Ang ideya naman na pagtambalin sa ngayon sina Binoe at Vina Morales ay pupuwedeng maging potensiyal sa viewership.

Box-office tandem ang kina Vina at Binoe noon. Sino ang makalilimot sa matinding pagtanggap ng masa sa Ang Utol Kong Hoodlum na nagkaroon pa ng sequel, dalawa sa top moneymakers sa history ng pagpo-produce ng Viva.

Napapangiti lang si Vina sa ideyang ito. Why not? At mukha namang hindi tatanggihan this time ni Binoe si Vina, lalo na sa puntong ito na nagpahayag si Vina na gusto niyang makabalik sa larangan ng teleserye na nababagay rin naman siya, ‘di ba?

Ayon pa rin kay Vina Morales, okey naman sa pamilya niya si John Prats para sa kapatid niyang si Shaina Magdayao. Natsitsismis na kung minsan ay mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Para kay Vina, pinagdaraanan ito ng mga mag-sweethearts, pero ang maganda raw kina Vina at John, hindi nila ipinamamalita ang kanilang manaka-nakang disgusto. Sino-solve nila ‘yun nang sila lang, at hindi namamalayan, natapos ang gusot nang hindi na napapakialaman ng iba.
Gustong linawin ni Vina na wala siyang alam na nagkaroon ng away talaga sina John at Shaina, o sadyang marunong lang magdala ang dalawa.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

2 thoughts on “Miriam Quiambao, ka-date ang mister ni Maricel Laxa?! – Archie de Calma

Leave a Reply

Your email address will not be published.