Miriam, Pinalilinaw Kung Para Kanino ang Pag-angkin sa Sabah

DAPAT LINAWIN ng Sultan ng Sulu kung inaangkin ba nito ang Sabah para sa Pilipinas o para sa sarili lang nito, ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay Santiago, kung inaangkin lang naman ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III ang Sabah para sa sarili nito, dapat lang na pabayaan ito ng pamahalaan.

Aniya, hindi tama na inilalagay ng Sultan sa alanganin ang bansa kontra sa pamahalaan ng Malaysia na mabuti naman ang pakitungo sa mga Pilipino.

Tama ang hakbang ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, dagdag pa ng senadora.

Samantala, marapat lang aniya na huwag galitin ang pamahalaan ng Malaysia na tumutulong pa sa problema ng bansa hinggil sa Mindanao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.