Miriam, paninindigan ang pagharang kay Mar

 

TINOTOO NI Sen. Miriam Defensor-Santiago ang kanyang banta na haharangin ang kumpirmasyon ng mga cabinet members na hindi sumipot sa ipinatawag nitong pagsisiyasat noong nakaraang linggo laban kay resigned DILG Usec. Rico Puno.

Sa harap ng nakatakdang pagsalang ngayon sa Commission on Appointments (CA) ni incoming Interior Sec. Mar Roxas, nagpasabi na ang senadora na kanyang ibi-veto ang appointment confirmation ng kalihim.

“Out of deference, I have to inform you that at the CA plenary session this Wednesday at 1:00 p.m., I intend to veto the confirmation of Sec. Manuel A. Roxas II,” ayon sa sulat ni Santiago kay Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III.

Si Sotto ang chairperson ng CA’s interior and local government committee.

Nilinaw ni Santiago na wala umanong personalan sa gagawin nitong pagharang sa nominasyon ni Roxas sa bagong puwesto, subalit kanya lamang umanong pinaninindigan ang naunang pahayag laban sa mga nag-boykot ng kanyang hearing.

“However, I have announced that I shall oppose the confirmation of any cabinet member whom I invited to the Rico Puno hearing, held on September 14, 2012, but who all declined to appear,” ayon sa mambabatas.

Una nang inihayag ng senadora na hangga’t miyembro umano siya ng makapangyarihang Commission on Appointments, ay hindi nito papayagan na makumpirma ang appointments ng naturang mga miyembro ng gabinete.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.