Miriam, nanguna sa survey

NAGUSTUHAN NI Senador Miriam Defensor Santiago ang naging resulta ng dalawang online survey bilang pinaka-popular na senador at pumalo rin bilang numero unong ‘female presidentiable’.

Sa dalawang online survey ay parehong nanguna ang pangalan ng senadora.

Kung gagawing online ang botohan para sa pampanguluhang eleksyon ay malaki ang posibilidad na si Santiago ang maupong bagong pangulo ng bansa.

“Sen. Miriam Defensor Santiago placed No. 1 in a survey conducted by an online newspaper to determine the social media ranking of 24 senators,” ayon sa tanggapan ng mambabatas.

Ito ay sinundan pa umano ng isa pang survey, “In a separate survey by another online newspaper, Santiago in a poll for female presidential candidates, also ranked No. 1 with 83% of the votes, leading by a kilometric margin over the next ranked, Sen. Grace Poe, who garnered 8% of the votes.”

Ipinagmalaki pa ng tanggapan ni Santiago na panalo siya sa popularidad kung ang pag-uusapan ay ang mga fans at mga followers ng mga official Facebook at Twitter accounts ng mga kasapi ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa Facebook at Twitter accounts, sinundan ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang senadora sa usapin ng dami ng fans at followers. Karamihan sa mga tukoy na madalas gumamit ng dalawang social networking sites na ito ay ang tinatawag na ‘young blood’ o mga kabataan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.