Miriam, nagbanta sa mga bumoykot sa kanya

KASALUKUYANG NAGBANTA si Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairman ng Senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws, na kaniyang ibabasura ang appointments ng lahat ng Cabinet officials na hindi dumalo sa ipinatawag nitong pagsisiyasat noong nakaraang linggo.

Muling inihayag ng senadora ang galit nito sa aniya’y pagboykot ng Palasyo sa isinagawang imbestigasyon laban kay resigned DILG Usec. Rico Puno.

Sinabi ni Santiago na hangga’t miyembro umano siya ng makapangyarihang Commission on Appointments, hindi nito papayagang makumpirma ang appointments ng naturang mga miyembro ng gabinete.

“Lahat ng Cabinet members na binigyan ko ng imbi-tasyon, habang ako’y kasapi ng Commission on Appointments, ibi-veto ko sila dahil sa aming regulasyon, ang iisang kasapi lang ng Commission on Appointments, kaya niyang i-veto maski lahat ng kasamahan niya, pabor sa appointment. Iisa lang na senador, sinabi niyang ‘I am voting against,’ ibig sabihin nagbi-veto siya, siya ang susundin, hindi iyong majority. Kaya i-veto ko lahat ng hindi pumunta sa hearing ko,” ani Santiago.

Matatandaan na sa kanyang opening statement noong Biyernes, pinasaringan ng senadora ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa kabiguan ng mga opisyal nito na humarap sa paglilitis.

Kabilang sa mga ito sina Executive Sec. Jojo Ochoa, Justice Sec. Leila de Lima, Agriculture Sec. Ramon Paje at Transportation Sec. Mar Roxas.

Si Puno na kilalang malapit na kaibigan ng Pangulo o shooting buddy, ay naging kontrobersiyal sa pagsugod sa tanggapan at condo unit ni yumaong DILG Sec. Jesse Robredo para i-secure umano ang mga mahahalagang dokumento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.