Miriam: Ilang Senador, kumikita ng P1.5-M kada buwan

IBINULGAR NI Sen. Miriam Defensor-Santiago na umaabot sa P1.5 milyon ang maaaring kikitain ng isang senador bawat buwan kahit pa nasa P90,000 lamang ang basic monthly salary nito.

Ito ay dahil umano sa mga benipisyong ibinibigay sa mga senador buwan-buwan kabilang na ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), committee chairmanships at iba pa.

“The basic monthly salary of a senator is P90,000. But in all, the total monthly income of a senator, allowed by law, could reach as much as P1.5 million monthly,” pahayag ng senadora.

Inihayag ito ng mambabatas kasabay ng kanyang interpellation kay Sen. Grace Poe hinggil sa panukalang Freedom of Information (FOI) Bill.

Dahil dito nakatakdang magsumite si Santiago ng amendments sa FOI bill kung saan nais nitong buwagin ang pamimigay ng MOOE sa mga mambabatas bawat buwan.

“Let us dismantle the MOOE, which is a source of additional income for every senator. Let us list down all the senators’ sources of income, including their MOOE, chairmanship of certain committees, or even just by becoming a member of oversight committees, or of the Commission on Appointments,” dagdag pa ng mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Miriam: Ilang Senador, kumikita ng P1.5-M kada buwan

  1. Yan nga ang dahilan kung bakita sa tuwing may halalan magpatayan dahil sa perang yan.Ang sweswerti naman ninyo dyan 90.000 monthly tapos naging 1.5 habang ang karamihan ng mga pinoy naghihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.