Miriam: Enrile, Maaaring Kasuhan ng Grave Abuse of Discretion

MAAARING KASUHAN sa Korte Suprema ng grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction si Senate President Juan Ponce Enrile sa isyu pa rin ng pamumudmod umano ng cash gifts sa mga kapwa mambabatasgamit ang savings ng kanyang opisina.

Nakapaloob ito sa sulat ni Senador Miriam Defensor-Santiago kay Commission on Audit (COA) Chairperson Maria Gracia Pulido-Tan matapos mapaulat na aprubado ng COA ang paggamit ng pondo ng Senado bilang Christmas bonus.

Dapat maging fiscally responsible si Enrile sa mga savings galing sa buwis ng taumbayan at dapat aniyang ibalik ito sa national treasury, giit ng senadora.

Malinaw rin aniyang hindi maaaring gamitin ang savings sa non-existent programs at wala rin itong request for augmentation kaya walang dapat i-realign.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.