Miriam, Drilon at Ex-Ombudsman Marcelo, Nominado sa Pagka-CJ

ISA SI Senador Miriam Defensor-Santiago sa mga nominado bilang susunod na chief justice ng Korte Suprema.

Gayunman, wala pang reaksyon kung tatanggapin ito o hindi ng mambabatas.

Si Santiago ay nakatakdang umalis para gampanan ang tungkulin niya sa International Criminal Court (ICC), matapos maitalaga roon noong isang taon.

Bukod sa Senadora, nominado na rin sa binakanteng puwesto ni Renato Corona sina Senador Franklin Drilon at dating Ombudsman Simeon Marcelo.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga nominee at aplikante ng mga posibleng ipalit kay Corona. Sa Hulyo 2 ang itinakdang deadline nito.

Mahigit 65 na ang nag-apply at nominado kung saan 13 pa lang ang tumanggap sa nominasyon.

Samantala, umabot naman sa 15 ang bilang ng mga tumanggi sa nominasyon para sa pagka-punong mahistrado.

Ito ay matapos hindi tanggapin ng dalawang Court of Appeals (CA) justices na sina Gabriel Ingles at Magdangal de Leon ang mungkahi para makapasok sila sa pagpipi-liang susunod na chief justice.

Bukod sa dalawa, pormal na ring nagpadala ng liham si Executive Secretary Pacquito Ochoa sa JBC na nagpapahayag ng pagtanggi sa nominasyon.

Kabilang sa mga nauna nang nag-decline sina Supreme Court (SC) Associate Justices Mariano Del Castillo, Bienvenido Reyes at Estela Perlas Bernabe, dating Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr., dating Energy Secretary Raphael Lotilla, Dean Rodolfo Robles, Prosecutor Marianito Sasondoncillo, IBP President Roan Libarios at dating Senator Rene Saguisag. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.