Miriam, Bubuwelta pa kina Enrile at Lacson

MULING SINIGURO ni Senator Miriam Defensor-Santiago na tuloy ang kanyang “pagpapasabog ng bomba” laban kina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Panfilo “Ping” Lacson sa muling pagbukas ng session ng Senado.

Sinabi ng senadora na kanyang sasagutin ang lahat ng akusasyon nina Enrile at Lacson na pawang wala u-manong basehan.

Matatandaang ibinunyag ni Santiago ang paggamit ni Enrile ng pondo ng Senado sa pamimigay ng Christmas gifts sa mga kaalyado nitong senador noong nakaraang Disyembre, samantalang hindi binigyan ang mga kalaban nito.

Hinamon niya ito sa isang debate ngunit sa halip na tanggapin ang hamon, bumanat naman sa kanya si Lacson.

Ayon kay Santiago, itatala nito ang mga kasalanan ng dalawang senador at ibubunyag ang mga iskandalo ng mga ito.

Ang huling sesyon ng Senaado ay magaganap sa June 3-6, 2013.

Samantala, napag-alaman naman mula sa senadora na ipinatatawag na ito ng International Court of Justice, subalit humingi ito ng dagdag na panahon upang buweltahan muna sina Enrile at Lacson.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Miriam, Bubuwelta pa kina Enrile at Lacson

  1. Mami-miss ko si senadora . Baka naman baunin rin niya ang chaos sa International Court. Ha ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.