Miriam at Enrile, nagkapersonalan

KASALUKUYANG HUMANTONG na sa personalan ang bangayan sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Miriam Defensor-Santiago kasunod ng nabulgar na pamumudmod ng pangulo ng Senado ng P1.6 miyon na cash gift sa mga kaalyadong mambabatas nitong nakalipas na Kapaskuhan.

Tahasang sinabi ng senadora na “matanda at ulyanin” na si Enrile kaya’t naghahanap ito ng maibabato laban sa kanya.

Hinamon din ni Santiago si Enrile na isapubliko ang kanyang mga kinita sa Senado bilang senate president dahil nakahanda rin umano niyang isapubliko ang kanyang mga kinita bilang isang senador.

“I am challenging him, reveal to the public everything that he received as a Senate President and I will tell the public everything that I received from the Senate. Indi na ina ka sabat, bal-an mo tigulang na eh, ulianon na (hindi na ‘yan makasagot, alam mo matanda na ‘yan at ulyanin na),” ani Santiago.

Pursigido si Santiago na ipa-audit ang tanggapan ni Enrile. Katunayan, binabalangkas na nito ang sulat para kay COA chairperson Ma. Gracia Pulido-Tan para ipabusisi, hindi lamang ang Senado kundi maging ang iba pang tanggapan ng gobyerno kasama ang Kamara de Representantes.

“This is to respectfully request a COA study, report, and recommendation on the reported widespread abuse of the constitutional word “savings” and the constitutional phrase “public purpose” as well as on my proposed internet upload of the total income (not merely the salary) and the discretionary funds of every high public official,” ayon sa sulat ng mambabatas sa COA.

Sinabi pa ng senadora na ang COA ang dapat na mag-usisa sa mga kinikita ng mga senador dahil kung Senado ang gagawa nito, walang mangyayari dahil sigurado na hindi naman dadalo ang mga guilty na kasamahan.

Samantala, nakahanda naman umano si Enrile na isalang sa audit ang kanyang tanggapan maging ang buong libro ng Senado dahil wala silang itinatago.

Binigyang-diin ng pangulo ng Senado na hindi siya sumpungin na senador kasabay ng banat laban sa senadora na “plastic at nagkukunwari” ito.

“I am not a lunar senator, kung maniniwala ka sa senador na ‘yan, eh ‘di magpaloko ka sa kanya. Ayaw ko ng taong ganyan, plastic, nagkukun-

wari, I am not like that,” ani Enrile.

Samantala, idinepensa rin ni Enrile ang pagkakaloob niya ng karagdagang P1.6 milyon na pondo sa mga kaal-yadong senador na aniya’y walang paglabag sa batas dahil discretion aniya ng pa-ngulo ng Senado kung sino ang bibigyan ng karagdagang pondo mula sa savings.

“Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano and Antonio Trillanes are supposedly members of the Minority in the Senate. On the other hand, Senator Santiago’s supposed membership in the Majority is questionable, to say the least, as she has publicly and repeatedly denounced and attacked me, just like Sen. Trillanes. She does not consider me a friend and I do not think she considers me as the head of the Senate and that is fine with me,” ani pa ng pangulo ng Senado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.