Miriam, Aatras na sa ICC

KINUMPIRMA NI Sen. Miriam Defensor-Santiago ang nakatakda nitong pag-atras na sa pagiging judge ng The International Criminal Court (ICC), na naka-base sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ng senadora na dalawang taon na siyang overdue sa pag-uulat at malamang na naubusan na umano ng pasensya sa kanya ang international tribunal.

Inihayag ng opisyal na kung sa susunod na taon na hindi pa rin siya makapag-ulat sa trabaho, maaari umanong mag-desisyon na siyang umatras.

Samantala, una nang inamin ni Santiago na hirap itong magampanan ang sinumpaang tungkulin bilang mambabatas at pagiging mahistrado ng ICC bunsod ng kanyang kasalukuyang karamdaman.

“My illness has occurred periodically over a period of some ten years, but it appears that in its present manifestation, things have come to a head and I am rendered virtually dysfunctional. This condition will even impact my assumption to office as elected judge of International Criminal Court at The Hague, Netherlands,” pahayag ni Santiago.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.