Minsan sa Tabing-Ilog…

Kung mga mid-90s ay kumekerengkeng ka na, malamang, pinanood mo rin ang noon, eh, sikat na sikat na Tabing-Ilog. At kung may Tabing-Ilog, malamang, kilala mo rin ang tambalang George at Fonzy o better known as Jodi Sta.Maria at Baron Geisler sa totoong buhay.

Si Jodi Chrissie Santamaria-Lacson ay ipinanganak noong Hunyo 16, 1982 at miyembro ng Star Magic Batch 7. Bukod sa Tabing-Ilog, remarkable ang performance ni Jodi sa mga pelikulang Jologs, Anak, Bagong Buwan, Nars at marami pang iba. Nag-host din siya ng Star Cicle Quest Kids & Teens na dalawang beses na nagbigay sa kanyang award bilang PMPC Star Awards for TV Best Talent Search Program Host.

Samantala, si Baron Frederick von Geisler ay ipinangak noong June 5, 1982 mula sa isang Pilipina at German-American na ama.

Naging magkasintahan sina Jodi at Baron, pero dahil bata pa ang kanilang pusong nangingibig, hindi ito nagtagal. Nagkanya-kanya sila ng landas na tinahak. Sa kasagsagan ng kasikatan, nilisan ni Jodi ang showbiz at nagpakasal kay Pampi Lacson. Naging full-time mom siya sa kanilang anak na si Thirdy.

Samantalang si Baron, umaming may adiksiyon siya sa alcohol at sumailalim sa ilang serye ng rehabilitasyon. Naging laman din siya ng mga balita dahil sa mga gulong kinasangkutan niya.

Nabigyan ng hindi lang iisang pagkakataon si Baron para makabalik sa showbiz. Tama ang hula ng marami nung child actor pa lang siya na malaki ang potensiyal niya. Nang umariba kasi ang indie films, kitang-kita ang galing ng isang Baron Geisler at patunay riyan ang mga pagkilalang naiuwi niya.

Hindi pa rin kumukupas ang galing nina Jodi at Baron. Sayang nga lamang at hindi na mauuwi sa isang happy ending ang kanilang love story. Gayunpaman, masarap balikan na minsan sa Tabing-Ilog, nagkasama ang dalawang artistang maituturing na magagaling sa kanilang henerasyon.


Ni Mayin de los Santos
Photos by Mark Atienza and Fernan Sucalit

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “Minsan sa Tabing-Ilog…

  1. Ako rin espicially yung kay Kaye at rafael Rosell mas gusto ko yung love story nila kesa yung kay Rovick…..

    Kaye asan kana!

  2. Tabing Ilog is the best teen show for me. Nakakamiz na nga..sana magreunion cla at magkamovie together..john lloyd & kaye, patrick & paula, paolo & desiree at baron & jodi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.