Minor’s case on Aljur Abrenica, questioned

NAKARATING NA RAW sa GMA 7 ang subpoena na ipinadala ng NBI para kay Aljur Abrenica. Bukod sa statement na ipinadala ng GMA 7, may nakuha rin kaming statement kahapon mula naman sa abugado nito na si Atty. June Ambrosio:

“Based in the information gathered so far, the controversy involving Aljur Abrenica and the complainant appears to be a case of misunderstanding between two teenagers, nothing remotely romantic or sexually predatory as initially reported.

“Aljur is constantly careful in his dealings with his fans, always upholding the highest standards in gentlemanly behavior, moral values and ethical conduct and further honed by his home studio.

“Aljur is flying to the US to fulfill his commitments that had been made long before this controversy. Upon his return, he will immediately attend to and clear the matter.”

Sunud-sunod ang trabaho ngayon ng young actor dahil katatapos lang nito ng Dapat Ka Bang Mahalin? at kahapon lang, nagsimula na itong mag-taping ng bagong programa nila ni Kris Bernal na All My Life.

Nakapanghihinayang lang dahil kung saan gumaganda ngayon ang career ni Aljur at saka naman pumasok ang ganitong problema.

Nagsalita na ang ilang kaibigan ni Aljur na kasama niyang nagbakasyon sa Puerto Galera, at talagang isinusumpa nilang hindi totoo ang ibinibintang ng babaeng nagsampa ng demanda laban sa young actor. Hindi raw sila nagkahiwalay sa bakasyong ‘yun at bukod pa riyan, kasama raw ni Aljur ang pamilya nito kaya imposibleng makagawa raw ito ng kalokohan.

Itinatanong rin ng iba na di ba menor de edad ang babae? Paano raw ito nakapasok bilang modelo at promo girl sa isang produktong nakalalasing? Liquor ang ang pinu-promote ng babaeng ito sa Puerto Galera at kasama pa raw nito ang kapatid at Mommy niya. Bakit hinayaan naman daw ng ina nito na tanggapin ang ganu’ng trabaho na hindi pa nga nararapat sa isang menor de edad.

Ang nakalulungkot lang, naging mabait lang daw si Aljur na paunlakan ang offer nitong girl na inumin itong produktong pinu-promote niya. Nagpalitrato lang daw ito kasama si Aljur at siguro roon lang napalapit sa kanya ang young actor at never nga raw niyang nahawakan ang kamay man lang nito.

Tahimik lang si Aljur pero obvious namang apektado ito at nalulungkot sa nangyari dahil naging mabait lang siya, pagkatapos napahamak pa.

MAINGAT ANG SAGOT ni Dennis Trillo sa mga pangungulit sa kanya ng press tungkol sa napabalitang pagbalik ni Cristine Reyes sa GMA 7. Nagkaroon ng presscon ang bagong programa ni Dennis na Adik sa ‘Yo na magsisimula na sa Lunes kaya hindi naiwasang itanong si Cristine sa kanya.

Sagot naman ni Dennis, wala na siyang pakialam kung babalik na sa GMA 7 si Cristine. Nasa GMA 7 na raw ito at out na siya roon. Desisyon na rin daw ng Kapuso network kung ano ang gusto nilang ibigay na programa kay Cristine, kung pagsamahin man sila sa isa sa mga proyektong gagawin nito.

Si Cristine naman, trabaho lang daw sa kanya ang pagbalik sa Siyete, at hindi na kasali ang mga personal niyang isyu.

Hindi maiwasang magkita sila sa GMA 7 ni Dennis at pati na rin si Carlene Aguilar na isa na ring Kapuso talent.

Kung pagsasamahin sila sa isang programa, nasa GMA 7 na raw ‘yun. Siyempre magpaka-safe na lang sila sa sagot para hindi na magkaroon ng isyu, pero I’m sure hindi pa rin naman sila ganu’n kakumportable sa isa’t-isa.

So far, wala pa namang kumpirmasyon kung matutuloy na ang pagbabalik ni Cristine, dahil pinag-uusapan pa lang daw ito ng GMA 7 at ng Viva Artist Agency na manager niya. Pero kung si Cristine ang tatanungin, gusto na talaga nitong iwan ang Kapamilya network at bumalik sa dati niyang pinanggalingan.

by Gorgy Rula

loading...

8 thoughts on “Minor’s case on Aljur Abrenica, questioned

  1. Sa opiny0n ko umiepal t0ng bAbAE na to. Dapat cguro idEmanda magulang nya kc at 13 pinagtatraBaho n xa, at alak pa! Kapanget nya gumawa ng issue, ayan panget ang fEedback. Naku naku kung cnu k mang bata ka, nakakaawa ang kadEsperadahan mu.

  2. malandi talaga tong michelle saludo na ito! Gusto lang mag-artista kay nagpapaka-kontrobersyal! Hitad talaga!

  3. Nahehelo este nahihilo ako sa mga nababasa ko. Ano ba talaga liquor or water flavored beverage? Halata namang hindi nagresearch ang mga writers, huh writers ba ang tawag doon? Nakita naman sa pix ang hawak ni Michelle kung anong klaseng inumin iyon. Lalo lang sumisikat ang produkto at si Michelle dahil kayo mismo ang gumagawa ng ikakainggay! Pati ang edad may 13 may 15 ay sus! Kaya minsan hindi na kapani-paniwala ang mga writers kasi puro din sila kasinungalingan!

  4. SO SAD LANG DI PA ALAM NI IWA MOTTO UNG NANGYARI

    ..NAGULAT DIN DAW SIYA KASI MABAIT AT MAHIYAIN SI

    ALJUR NUN

  5. hindi kaya ang nanay nya ang idemanda ng NBI, DSWD at DOLE dahil hinayaan nyang mag endorse ang anak nya ng ganong produkto.

  6. abat may manager na ung mukang biik na babae? kpal to the max tlga nmn o sna mbasa mo to michelle saludo! hndi ako saludo syo hoy ang landi mo ikw tong mkikipaginuman e tpos sbay marrealize mo bnastos ka?? omg ung nanay mong ipokrita hnd ka dpt kinukunsinte

  7. mraming butas ang cnsbi nung girl camp
    minoles daw sya ni aljur eh sbi nya ksma nya ung 1 friend nya at kpatid pa….
    hello cnong tanga pba2yaang imoles ang kptid at kaibigan ng haraphrpan dba?

    think another gimik nlng if gustong mag artista…kumuha ng mgaling n manager at hndi mgimik na mnager
    hehhee

  8. gimik lang ng girl na yan,kc sa tingin ko good boy nman c aljur,at di gagawa na ikakasira ng career nya,sikat na ngayon c aljur kya sinisiraan xa ng girl na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.