Mining Okay sa B’laan Tribal Leaders

NANAWAGAN ANG mga nakatatanda at lider ng mga tribung pangkomunidad ng B’laan sa Tampakan, South Cotabato at Kiblawan, Davao del Sur na huwag silang bansagang kontra-pagmi-mina kahit mayroon silang alalahanin sa panukalang Tampakan mining project sa kanilang lugar.

“Ang kapayapaan at kaayusan ay matagal na na-ming problema bago pa man dumating ang kompanya sa pagmimina pero walang tumutulong sa amin noon,” ayon kay Tong Capion, isang tribal elder sa Bong-Mal, Kiblawan, Davao del Sur.

Ang dalawang Capion ay nakatatandang kapatid ni Daguil Capion,  isang katutubong Blaan na inisyuhan ng warrant of arrest dahil sa umano’y extortion at iba pang gawaing kriminal laban sa Sagittarius Mines, Inc. (SMI), ang kinontrata ng gobyerno para sa panukalang $5.9 billion Tampakan mining project.

Ang  Tampakan mining project ay malaking lugar na nasa hanggahan ng South Cotabato at Davao del Sur sa katimugan ng Mindanao na tirahan ng mahigit 13,000 katutubong Blaan.

Iginiit ni Tampakan municipal tribal chieftain Dalena Samling na dapat nang itigil ng ilang grupo ang pagbibigay ng pahayag para sa mga Blaan.

“May congressional hearing sa Davao City hinggil sa tribal conflict sa Tampakan at Kiblawan pero hindi kami inanyayahan at inilihim sa amin ang pagdinig,” ayon kay Samling.

Idinagdag ni Dot Capion na mayroon silang peace and order program na nakabase sa mga komunidad na suportado ng mga tribu, mga pamahalaang lokal at kompanya ng pagmimina para mapigil na lumala ang anumang hidwaan sa Tampakan and Kiblawan habang iginiit nito na bukas sila sa anumang imbestigasyon sa a-

ming lugar,” ani Dot Capion.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.