Minimum Wage Earners sa MM, Walang Umento sa Sahod

WALANG UMENTO sa sahod ang mga minimum wage earner sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan.

Lumalabas sa tantya ni Department of Labor and Employment-NCR Director Allan Macaraya, posibleng sa huling kuwarter pa ng taon o dakong Oktubre pa magkaroon ng salary adjustment.

Pero nakadepende pa rin ito sa pag-aaral ng wage board kung magkakaroon ng wage order.

Mananatili aniya sa P456 kada araw ang suweldo ng ordinaryong manggagawa sa pribadong sektor.

Una nang naghain noong nakaraang buwan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang P83 hanggang P85 na umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Samantala, ngayong araw naman itinakda ang ikalawang public consultation sa nasabing wage hike petition.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.