Mini-Shabu Tiangge, Sinalakay sa Zambales; 2 Hinihinalang Drug Pusher, Tiklo

ARESTADO ANG dalawang hinihinalang drug pusher matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulis ang isang mini-Shabu tiangge sa Subic, Zambales.

kinilala ang mga salarin na sina Ferdinand Franco at Michelle Chavez na kapwa kabilang sa mga wanted drug personalities ng PDEA.

Arestado rin ang iba pang nahuling nagpa-pot session sa nasabing mini-Shabu tiangge na nasa bahagi ng Sitio Tahimik sa Purok 3.

Nakumpiska roon ang limang sachet ng Shabu na nagkakahalaga ng P10,000 at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Police Inspector Jerson Dalupay na dalawang linggo na nilang isinailalim sa surveillance ang nasabing lugar bago isinagawa ang pagsalakay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.