Mini-serye ni Nora Aunor, ‘di humataw sa ratings?!

BLIND ITEM: MAY isang seryosong isyu na kailangang i-address ng isang male host, married to an actress with whom he has a less than a year-old child.

Kalat na kalat na kasi ang sentimyento ng kanyang misis sa umano’y verbal abuse na kanyang tinitiis sa piling ng kanyang mister, who probably thinks that his wife is intellectually inferior. Hindi tiyak kung ano ang mga eksaktong pangungusap ng panlilibak ng TV host sa kanyang asawa.

But one thing’s  for sure. Galit na ang mga tagahanga ng aktres sa asawa nito. Hindi raw naman kasi lingid sa kaalaman ni mister ang “educational background” ng noo’y syota pa lang niya, if such were a major issue, bakit pinakasalan nga naman nito ang aktres?

In fairness, too, to the actress ay wala siya ni katiting na pretensiyon tungkol sa kanyang kakapusan. Madalas pa ngang gawing biro ni misis ang kahinaan niya sa pag-i-Ingles, kaya hirap siyang makipagsabayan sa mga Ingleserang artista.

But already a married couple that they are now, dapat pa bang gawing isyu kung sino ang mas may pinag-aralan than the other spouse?

Bakit hindi na lang isipin ni mister that for all he knows, ang ipinagkaloob na supling sa kanila ni misis would turn out to be a “talentadong Pinoy” whose talent at an early age can pass for a “junior chef”?

 

HINDI NA NAMIN babanggitin ang pangalan ng kapwa namin Vilmanian who relayed through a text message ang inirehistrong ratings ng pilot episode ng mini-serye ni Nora Aunor sa TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina that premiered exactly a week ago.

Four point something ang porsiyentong nasungkit ng SNNI, na ayon sa aming Vilmanian texter was unexpectedly low considering all the media hype mula pa noong bumalik ng bansa ang Superstar in August. “Ang baba, ha? Hahaha!” were the exact words in his text message.

We opted not to send a reply. First, ano bang survey group ang naglabas ng naturang ratings? Second, regardless which group conducted the survey, by standards in this increasingly competitive industry, ang naitalang ratings ng show ni Ate Guy was not bad at all.

Third, wish ko lang ay hindi sinita mismo ni Ate Vi ang kanyang fan gayong maliwanag na ang pagbabalik ni Ate Guy ay walang kinalaman sa career—both showbiz and political—ng pareho naming idolo! Ano’ng pakialam ni Ate Vi kung nag-rate o hindi man nag-rate ang show ni Ate Guy, when this should be the least of her concerns?

Tigilan na kasi ang pang-iintriga, very 80s pa ang ginagawang pagsasabong hanggang ngayon sa mga institusyon as though Ate Vi and Ate Guy are starlets!

 

ISANG LITERAL NA mabantot na episode ang matutunghayan ngayong Lunes sa Face To Face na pinamagatang Si Lalaki Nakipag-“something-something” Sa Mas Sariwa Dahil Si Babae Mabaho Ang Hininga! Inamin ni Willy na kaya niya pinatulan si Leklek ay dahil may bad breath at masyoho ang misis niyang si Joan.

Nakuha namang murahin ni Aling Luisa ang kanyang Ate Gertrudes kahit nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak sa kuwento bukas titled Patay Ang Anak Dahil Nasagasaan Ng Kotse… Sa Lamay Pinapatayan Pa Ng Kuryente! Himutok ni Aling Luisa, habang nakaburol daw ang kanyang anak ay pinagdadamutan sila ng ilaw ng kapatid. Tumindi pa ang panunumbat ni Aling Luisa nang patotohanan ng kanyang panganay na anak na ninenenok ng kanyang Tiyang Gertrude ang abuloy at tong sa sugalan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

28 thoughts on “Mini-serye ni Nora Aunor, ‘di humataw sa ratings?!

  1. I don’t understand why some people are sying na bagsak ang rating ng SNNI whereas dito sa Qatar mainit na pinag-uusapan ang teleserye ni Ms. Aunor. Pati Mag ng Star Studio na September edition ay mabenta sabi ng indiyanong nagtitinda,. Kilala na nga nila si Ms. Aunor. Hahaha! Nora Aunor is Nora Aunor at walang ibang makakapantay sa kasikatan na nakamit niya. Maraming tao ang gumamit at nagtagumpay sa kasikatan niya. Pulitiko man o negosyante or simpleng mamayan. Nora Aunor has a magic na no one can explain. Her presence is magnanimous. San man siya pumunta hinahangaan! Ano man ang gagawin niya, kahit kaliitliitang bagay pinag-uusapan at worthy to write. Ganyan si Ms. Aunor. Kaya niyang gumawa ng ingay kahit sa simpleng bagay na walang pwedeng makagawa kahit na sinuman na nasa showbiz ngayon. Indeed, she is the One and Only Superstar!!!

  2. kaya tuloy sa channel 2 ako non noong may bituin si ate Guy..gusto ko sa 7 dahil laging nabalita si ate guy..at sa channel 5 na siya ngayon alangan nan doon pa ako..pati dito sa baguio Nora Aunor pa rin..o padamihan ng commercials ang labanan di yong rating na yan..walang rating noong time namin ngayon meron na daw..saan na ang may mataas ang mga rating noon nakatambak na ba sa library ang score nila noon..wala na sila..o si Ate guy nawala ng 8 taon kahit wala siya nag re rate pa rin ang pangalan niya..ano ba ang basehan ng rating kuno..mas maniwala pa ako kung pera ang pag usapan..kuno 11 percent ang iba..sino nan sila di ko sila kilala..kaya si Nora Aunor linta lang tulad ni Cristy Fermin ang di nakakilala…

  3. di ako makapaniwala na di nag rating ang shows ni ate guy..ilan ba ang binasehan nila..kung sa ibang bansa nga nagkandarapa ng kakahintay sa show niya at dito sa Pinas..di man sikat ang mga nag mataas ang rating diyan..si Nora pa rin ang no.1..kaya di ako makapaniwala..sus ganyan nan talaga sila kung mataas ang rating nila di mataas basta kami always pa rin ang panonood ng sa ngalan ni Nora..di na matitinag yon..sa inyo na ang mataas na rating sa amin naman ang Superstar ng Mundo walang iba si ate Guy..

  4. I always watch Sa Ngalan ng Ina. Hindi ko ‘to pinapalampas. Who says that direction is poor and not in tune with the times? Get a grip! I say it’s the other way around. Most Filipino viewers hindi na nag-improve ang level ng paghanga. Hanggang ngayon gustong-gusto pa rin ang walang humpay na iyakan at sigawan, kopya dito, kopya doon, pinapahaba ang istorya for the sake na humaba lang. Nakakasawa at nakakainsulto na. Sa Ngalan ng Ina is a revolution in Philippine television. The subject is very relevant, the story is well laid out, top notch direction, the actors (especially Ms. Nora) are delivering fine acting with sincere emotion (as in hindi OA). Finally, binigyan tayo ng napakaganda at napakagaling na produksyon. It’s our loss kung hindi natin ito panonoorin.

  5. BASTA AKO, NAG EENJOY AKONG MANUOD NG SA NGALAN NG INA KAHIT NA MAG OVERTIME WA SI WILLIE SA SHOW NIYA. ANG GALING KAYA NG PAGKAGAWA NITO. MGA INGGITIRA LANG ANG MAGSASABI NA HINDI MAGANDA ITO. 

  6. mabuhay si nora aunor  patok ang sa nglan ng ina.. sangkaterba ang commercials ang importante sa mga shows ay commercial.. peke ang rating ng ABS AT GMA .. mabuhay ka ate guy.

  7. Someone like Nora Aunor should not be measured in terms of ratings. Nora Aunor has given so much. She has changed the landscape of showbiz. Wala nang mas huhusay pa sa isang Nora Aunor.

  8. karma na yan kay ate GUY.bakit kasi puro kanegahan ang issue eh kababalik pa lang nya sa showbi.balak atang bumalik ulet sa buhay nyang napariwara dati.

  9. naman totoo ba ang BI, si Juday yan at Ryan, alam naman ni Ryan that Juday is not that good sa English pero hindi naman ibig sabihin nun intellectually inferior na si babae. Sana pinili na lang ni Ryan si Kris Aquino kung gusto nya ng Englisera, yun e kung patulan sya Ni kristeta sa bansot nyang yan at liit nyang yan…

  10. HINDI NA KAILANGAN NI ATE GUY NG RATING EVERYTHING SHE DOES IS ETCHED IN PHILIPPINE ENTERTAINMENT INDUSTRY…………IKAW NA NORA WALA NG IBA PA!!!!!!!!!!!!!!!!!

  11. Khit ano png media hype gawin k Nora pra sumikat uli at kumita mga shows o movie nya eh next to impossible n tlga, mahal n ang tiket ng sinehan kya ayw mg-aksaya ng pera ang mga tao para s isang laos n artista…un ngang Noranian eh d ng-aksaya ng datung pra k Nora un p kyang d nmn Noranian, db? Noon nga me movies c Nora d sinuportahan ng mga Noranian ne0n p kya n lola nlng ang mga fans nya,,,,for sure 1ST DAY – LAST DAY N nmn movie ng laos n artistang c Nora!!!!!!!!!!!!

  12. LETSE Kng MAWILTIME KA, pinatawa mo nmn ako ng husto mukha tuloy akong sira ulo d2 s room nmin akala nila eh nlipasan n ako ng gutom at na buwang n ako! BWAHAHAHAHAH!
    Teka PATAYA 10 numero ang tayaan ko s ending hahahah!

  13. Ang problema kasi kay Juday simula pagkabata nag work na sya, kaya mahina sya sa English language. Paano naman yung family niya inabuso syang mag work, naalala ko pa yung “Ula” ang una niyang TV show sa channel 13. pero hindi naman define si Juday sa english language kaya ok lang, basta mahalaga magaganpanan niya ang work niya as entertainer sa mga filipino. bakit si Marian bobita Psychology daw sya. pero sobrang bobo parin.

  14. Kawawang Juday, nakaasawa ng masama pala ang ugali. Bakit hindi na lang turuan ni Ryan si Juday mag English o kaya kumuha siya ng English tutor nito, maka afford naman sila. Bakit pa bini verbal abuse pa nya si Juday. Alam naman nya noong magkasintahan pa sila na hindi ito masyadong magaling mag english. Baka gusto lang maki ride on ni Ryan dahil Juday na ito. Oo agree ako sa isang poster dito na yong manager ni Juday ay parang epokreto. Nakarma na yan. Parang walang paligo tingnan si Alphie.

  15. hay… nakakaawa mga taga tv5… they’re so so so desperate… walang nanonood sa kanila, please…. WALA TAGALA as in! WALA!

  16. kailan ba nag rate ang shows sa TV5 show feeling nila papanuodin ng mga tao yung mga DATING SIKAT na artista tulad nila NORA, AGA, LORNA, RUFFA eh ang uso na ngayon puro bata ang bida fresh looking talent LAOS na mga gurang na artista pang supporting na lang sila tapos sa tanda pa ni nora ginawang muse ng TNT sa PBA ano ba yan ganyan ka desperado TV5 na ipromote si NORA nagmumukha na tuloy syang katawa tawa ….. muse baka taga pataya ng ending sa loob ng araneta pwede pa siguro forte naman ata yun ni ate guy ….

  17. Kahit saan pong rating survey AGB or TNS at kahit saang area po mapa-National, Metro Manila and Mega Manila bagsak po talaga ang rating ng SNI. Kaya nga walang iniyayabang na rating ang TV5 this time sa pilot rating ng SNI kasi hindi naman kayabang-yabang at all. 

  18. eh mali naman kasi ang strategy ng channel 5, pilit na pinapasigla ang career ng mga LAOS! hello wake up! nagsasayang lang kayo ng datung sa pagkukuha ng mga artistang LAOS! si ate guy, LAOS. Si Aga LAOS. tapos lilipat na rin si MEGA na isa pang LAOS! hay naku TV5, isang malaki ang naghuhumindig na GOOD LUCK sa inyo!

  19. Di ba ang Vilma Santos special sa TV5 Anggulo ay 0.8% lang ang nakuha? Comparatively, okay na ang 4.3% ng Sa Ngalan ng Ina. Toprater na rin ito ng TV5. Mas mataas na pa rin ito sa noontime show ng ABS-CBN at sa show ni Kris Aquino. Wag nang sabihing magkaibang timeslot. Pero malaki rin ang audience share ng noontime shows.

  20. ALPHA.BETA MALI INFO MO DEAR ITS THE OTHER WAY AROUND: AGB IS TO GMA-7 AND TV5 YES NAKA SUBSCRIBED PO ANG TV5 SA AGB NIELSEN! AND KANTAR IS TO ABS-CBN SINCE THEY PULL OUT THEIR SUBSCRIPTION TO AGB DUE TO ALLEGEDLY RATINGS MANIPULATION IN BICOL AREA CORRECT ME IF IM MISTAKEN… HINDI TOTOONG HINDI NAKA SUBSCRIBED ANG TV5 SA RATINGS DAHIL PALAGI NILANG BINIBIDA NA #1 SILA PAG WEEKEND PRIMETIME…

  21. c Juday ang BI xa un d mrunong mg-ingles at Host ng show n Junior Chef at c Ryan un tv host. Kawawang Juday, ngamit lng un kcing mngr nya eh masamang tao kya s knya bumubwelta un karma….Mag p tutor k nlng kc ng english pra mhasa ka at dk maging inferior intellectually s asawa mong englisero…

  22. What do u expect? mgrate kya? BIG NO! I WATCHED IT but a big disappointment tlg, kbagal at hirap mgsalita c Ate Guy boses lola sna c Gloria Romero o Gina Pareno nlng ang bida bka mgrate pa! Remember FAMILIA ZARAGOSA that was aired over ABS2? Cla ngsimula ng teleseryeng fast paced ang story at starred by Gina Pareno at Gloria romero.

  23. Sabihin mo yan kay matandang alfungus ang mga pinagsasasabi mo dito sa column mo. Palaging pinapatamaan si Vi.. Pati yan si Jobert S. pagsabihan mo rin.. di lang nakapunta sa b-day party niya si Ate Vi palagi na niya tinitira.. parang wala silang pinagsamahan.. dyan mo makikita ang tunay na nagmamahal … ang taong nakakaunawa.. di dahil sa envelope.. Isa pa yan si Ambet Nabus… lumalabas talaga nag mga tunay na kulay dahil sa envelope…

  24. Sabi ni Pete A… Kailangang i-update ang story line at direction ng soap ni Ate Guy

    NAKALULUNGKOT ang rating na nakuha ng soap ni Ate Guy sa Cinco. Ang latest, samantalang naka-11.9% ang “Munting Heredera” ng GMA, 9.7% ang “Nasaan Ka, Elisa?” ng Dos, a measly 3.3% lang ang nakuha ng “Sa Ngalan Ng Ina” ng Superstar.

    Honestly, our nephew Abe Paulite was able to watch it’s initial episode and he says that it turned out to be a big disappointment when you speak of direction and cinematography and the flimsy material as well.

    Binigay naman daw ni Ate Guy ang lahat-lahat, in all fairness, but the blame should be dumped or heaped upon the director who seems not to be in tuned with the present times any longer.

    Mabagal daw ang takbo ng kwento at parang tinipid ‘yung mga eksenang kailangang maraming extra dapat ang kasama.

    Kahit naman siguro gaano pa kahusay na aktres si Ate Guy kung di naman kagalingan ang kanyang direktor, to no avail pa rin.

    Mario O’Hara might be good in Tatlong Taong Walang Diyos but it’s been a long time since he directed a movie, mukhang naninibago na siya.

    Kailangan siguro’y kumuha sila ng magaling na assistant director para magkaroon ng fresh input ang soap.

    Also, it’s but fitting and imperative that they should avail of a competent cinematographer para mas effect ang dating sa boobtube.

    A good writer is a must for a soap to become interesting. Kumuha sila ng magaling na script man para bomongga ang soap ni Ate Guy.

    ***

  25. Yung ratings game .. let’s put it in context huh! AGB subscribed to by ABS while Kantar naman by GMA. Between these 2 lang nga eh di na consistent kc kanya-kanya silang “results” favoring one over the other. Yung TV 5 di naka-subscribe kaya lahat ng shows nito puro 1-digit percentile ratings, even their top-rater like WTBT. Therefore, mainam na ang ratings ng Sa Ngalan ng Ina, considering its late night timeslot ! Unang-una at importante : punong-puno ‘to ng commercials (average 37 per episode) huh ! Patok sa rave reviews , trending sa Tweeter at Yahoo at pinag-uusapan ang trend=setting na ganda ng paggawa at mahusay na ensemble acting ng cast , led of course by Ms. NORA !
    Haaayy… saan ka pa ??! :-))

Leave a Reply

Your email address will not be published.