Mini-Bus, Sumalpok Sa Bundok Binatilyo, lasog; mag-ina, patay rin

MALAGIM ANG SINAPIT ng isang binatilyo nang masagasaan ito ng mini-bus na sumalpok sa bulubunduking bahagi ng Barangay Amparo, Butuan City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang nagkahiwalay ang katawan na si Alfredo Aspirin, 13 anyos, residente sa lugar habang patay rin ang mag-inang sina Esterkita Claral at Jay, 7 anyos ng Butuan City.

Sa report ng Butuan City PNP, nawalan ng preno ang passenger mini-bus kaya sumalpok sa gilid ng bundok habang binabaybay ang daan patungong lungsod ng Butuan.

Naglalakad naman sa tabi ng bundok si Aspirin nang masagasaan ng bus.

Samantala, pitong iba pa ang isinugod sa ospital na pawang nasugatan.

Kusang-loob namang sumuko ang driver na si Lauro Alvarez na kakasuhan ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Physical Injuries.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.