Mini-bus nahulog sa kanal; 10 katao, sugatan

SAMPUNG KATAO ANG sugatan nang mahulog sa kanal ang kanilang sinasakyang mini-bus sa Kawit, Cavite noong Sabado ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente Island Cove Road.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kawit Municipal Police Station, iniwasan ng driver ng bus na si Alfred Feria ang isa pang sasakyan dahilan para gumilid ito at mahulog sa kanal.

Kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries naman ang kinakaharap ni Feria habang agad ginamot ang mga sugatan na tumanggi nang ibigay ang kanilang pangalan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.