Minero, Inatado ng Barangay Tanod

DALAWAMPUNG SAKSAK ANG kumitil sa buhay ng isang minero sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ito na si Ronnie Linsangan, 39 anyos, may-asawa ng Bgy. Dansolihon.
Arestado naman ang sumaksak na si Edgardo Aguid, 40 anyos, chief tanod ng nasabing barangay.
Paliwanag ng suspek, self-defense lamang umano ang kanyang ginawa dahil sa pagtatangka rin ng biktima na siya’y pukpukin ng bato. Dagdag pa nito na nainsulto siya sa ginawa ng biktima kung kaya’t kanya itong sinaksak.
Ngunit, sinabi ni Aguid na kanyang haharapin ang kasong isasampa laban sa kanya ng pamilya ng kanyang napatay.     (EUNICE CALMA)

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.