Minero, dedbol sa loob ng minahan

ISANG MINERO ANG iniulat na nasawi sa loob ng minahan ng ginto sa Upper Acupan, Barangay Virac, Itogon, Benguet kamakalawa matapos na makalanghap ng nakakalason na gas na nanggagaling umano doon mismo sa isa sa mga tunnel ng minahan.

Kinilala ang nasawi na si Rocky Mendoza, 19, tubong-Bakun, Benguet at nakatira sa bayan ng Itogon.

Nabatid na bandang 3:45 ng hapon nang pumasok sa minahan ng ginto na pag-aari ni Teodoro Camiling ang biktima.

Sinasabing bigla na lamang nanikip ang paghinga ng biktima at nakaranas ng matinding pagkahilo matapos na malanghap ang nakalalasong gas sa minahan.

Nadala pa ang biktima sa Baguio City General Hospital pero nabigo na itong maisalba.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.