Milyong Halaga ng Kagamitan ng Comelec, Paiimbestigahan

HANDANG PAIMBESTIGAHAN ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ang umano’y pagbili ng nasabing ahensiya ng milyon-milyong halaga ng kagamitan para sa kanilang cottage sa Baguio City.

Ayon kay Brillantes, taong 1963 pa nang nagkaroon ng cottage ang Comelec sa nasabing lungsod. Pinaayos umano ito at sa kanyang termino na nagsimula ang pagbili ng mga gamit.

Gayunman, sinabi ng opisyal na dumaan sa Bids and Awards Committee ang pagbili nila ng mga kagamitan. Maaari aniyang nakalusot ang mamahaling presyo sa kanyang opisina at handa naman niyang paim-bestigahan ito.

Maaalala na kinuwestyon kamakalian ni Senador Alan Peter Caye-tano ang pagbili ng Comelec ng mga bagong sasakyan para sa kanilang mga opisyal, gayundin ng mga mamahaling furnitures at kurtina para sa kanilang cottage sa Baguio.

Ibinunyag din ni Cayetano na i-binigay ng Comelec en banc ang P350 milyon na kontrata sa kumpanyang Paula’s Furniture para sa kagamitan sa mga cottage.

Nakasaad sa notice of award noong Pebrero ang 20 set ng double deck bed na mayroong matress gayundin ang 17 queen-sized bed at pitong king-sized bed.

Nagtataka umano ang senador kung bakit gumastos ang ahensiya ng P84,000 para sa bawat piraso ng queen-sized bed at P91,000 sa king-sized bed gayong iginigiit nitong kulang ang kanilang pondo.

Kinuwestyon din ni Cayetano ang pagbibigay ng poll body ng kontrata para sa pagbili ng mga blinds at kurtina na umaabot ng P1 milyon sa Raddy’s Construction and Supply sa Pasig City.

Bukod sa mga furniture, sinabi pa ni Cayetano na gumastos din umano ang Comelec ng P7 milyon sa pagbili ng mga bagong sasakyan para sa kanilang opisyal kabilang na ang luxury vehicle na Camry na ginagamit ngayon ni Brillantes.

Ang Camry na kanyang ginagamit ay minana niya pa sa panahon ni da-ting Comelec Chairman Jose Melo, depensa naman ni Brillantes.

Dumaan naman sa Commission on Audit (COA) ang pagbili ng Comelec ng tatlong sasakyang tig-P1.8 milyon para sa mga bagong commissioner nito, giit pa ng opisyal. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.