MILYONES NA RAKET NI TADDY PALMA SA QC, IBINULGAR

UMAANGAL NA HINDI lamang ang mga kontratista sa Quezon City kundi maging ang ilang empleyadong hindi na umano kayang sikmurain ang matinding raket at lantarang pagmamanipula sa mga proyekto sa Quezon City.

Ito ang ibinulgar sa Pinoy Parazzi ng mismong ilang kawani sa City Hall na tumangging magpabanggit ng pangalan sa pangamba na sila ang pag-initan ng tinaguriang “Belmonte Group” sa pangunguna umano ni Taddy Palma ang Secretary to the Mayor ng Quezon City.

Ayon sa sumbong, ang mahigit 5 bilyong annual budget ng QC para sa infrastructure projects ay dinidesisyunan umano at pinatatakbo ng nasabing “Belmonte Group” at maging si Mayor Herbert “Bistek” Bautista ay wala umanong magawa dahil na rin sa pagtanaw ng utang na loob sa mga Belmonte na siyang trumabaho noong nakaraang halalan upang matiyak ang kanyang panalo.

Idinagdag pa ng source na kung ang inaakala ng taumbayan ay “open” sa publiko ang “bidding documents” para makasali sa bidding ng mga proyekto ng siyudad, sa Quezon City ay hindi umano ito nagaganap.

Ayon pa sa source, kung sino lang ang gusto ni Taddy Palma na makakuha ng bawat project ay sila lang ang binibigyan ng “bidding documents” at maging  ang ilang contractor na ang gagampanang papel ay magpatalo sa nasabing bidding kapalit ang “premyo”.

Dahil sa nasabing raket ng grupo nina Taddy Palma ay nagkakamal umano ang mga ito ng limpak-limpak na salapi sa kabila naman ng paghihinagpis ng maraming contractor.

Kaugnay ng nasabing balita, sinubukan naman ng may-akda na kunin ang pahayag ni Taddy Palma ngunit ilang empleyado ang nagsabing may mahalaga raw itong inaasikaso kaya hindi maaring gambalain. (JUN BRIONES)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “MILYONES NA RAKET NI TADDY PALMA SA QC, IBINULGAR

  1. After all, it seems that th good speaker and executive secretary may have direct knowledge and may have something to do with this centralized “racket” at quezon city hall. it may be happening also in other LGU’s. Pinoy should consider investigating this also. 

  2. What was and is the participation of Executive Secretary Ochoa in this scandalous waste of government money. What does he plan to do to correct this practice.

Leave a Reply

Your email address will not be published.