Milyones ang koleksiyon ng bag
Jinkee Pacquiao, puro plastik ang bulaklak sa loob ng mansion?!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka! Ano ba itong nakarating sa akin na ang tatlong K na ipinagmamalaki ng isang malaking network ay hindi nagkakaunawaan, as in, wala silang keber sa isa’t isa?

Unahin muna natin itong dating mag-bff at nagkasama pa sa isang morning talk show na bigla na lang naglaho. Ang chikka, ‘pag nagsasama sila sa isang gathering sa pulitika, plastikan lang ang kanilang pagsasama kasi matagal na pala silang hindi nag-uusap.

Ang dalawang K na itinuturing na pambato ng nasabing network, pagdating sa hard news, bidang-bida itong si K-A. At ito namang si K-B ay tinaguriang reyna ng media. Kaya nga raw ‘pag nalaman ni K-A na si K-B ay nasa event ng nasabing network, wala si K-A. Ayaw nilang magtagpo ang landas nila, kasi nga hindi sila in good terms. Lagi silang nag-iiwasan. Hindi malaman kung ano ang dahilan ng kanilang iringan na dati-rati parang hindi na sila maghihiwalay kung mag-usap.

Ito ang matindi, ang isa pang K na tawagin nating K-C na halos ‘pag nakikita raw niya si K-A ay kumukulo ang dugo niya na parang gusto niyang manabunot. Kaya nga dapat talagang hindi mag-abot ang landas ng dalawa.

Minsan nga, muntik nang mag-abot sa newsroom ang dalawang K, sina K-A at K-C. Mabuti na lang, may nag bulong dito kay K-C na darating si K-A, kaya umiwas na lang si K-C para hindi sila magpang-abot.

Isang araw, nagkasalubong daw ito sa hallway ng network. Makitid daw ang way kaya hindi sila puwedeng magkita. Ang ginawa daw ni K-A ay kinuha niya ang cellphone na kunwari may kausap para hindi halata na sila ay magsasalubong. At ang ginawa naman ni K-C, taas-noong naglalakad at walang nakitang kasalubong.

Kung tutuusin, parehas silang magaling, kaya lang mas may edad na si K-A kaysa kay K-C, kaya malawak na ang kaalaman ni K-A. Pero si K-C ay galing dati sa isang network at pinirate lang.

Hindi kaya insecurity ang dahilan? Kasi ‘pag hindi makararating si K-A sa kanyang newscast, ayaw niya na ang pumalit sa kanya ay si K-C.

Ayaw ko munang pangalanan ang tsikang ito. Kasi hindi ko sila lubos na kilala, maliban kay K-B na nagkasama na kami sa isang talk show.

Kung totoo man ito, ano kaya ang dahilan ng tatlong ito kung bakit nag-iiringan sila? Pero si K-B at K-C ay magkabati. Si K-A, itong dalawang K ang hindi niya feel kausap.

Gets n’yo na kung sino itong tatlong K na pambato ng nasabing network? Kung totoo man ito, may kasabihang walang bulok na hindi sisingaw. ‘Yun na!

 

SPEAKING OF bulok, kaloka talaga itong si Jinkee Pacquiao! Kasi kung ang hilig daw nito ay mga branded bags, shoes, at mga mamahaling alahas na naka-display sa mansion nila, hindi raw pahuhuli itong mga bulaklak na puro plastik.

Halos mapuno raw ang mansion ng plastic na bulaklak, kulang na lang ang malaking altar para matawag na simbahan. Kaya sabi nila, hindi parin talaga puwedeng tawaging sosyalera na si Jinkee. Kasi ang mga sosya-lera, mas gusto ang sariwang bulaklak na naka-display sa bahay. O baka naman ang mga plastic na bulaklak ay imported din.

Sabi nga ng nag-chikka sa akin, “At least, Tita Swarding, ang bulaklak na plastik, hindi nabubulok at p’wedeng punasan o labahan ‘pag ito ay puno na ng alikabok.”

Kaloka, ‘di ba? Ang ipamimigay rin kaya ni Jinkee na souvenir sa kanyang pangangampanya sa Sarangani ay plastik na bulaklak?

Minsan nga may tunay na marunong kumilatis ng mga orig na bags at sapatos na naka-display sa bahay nila. Natuklasan nito na class A lang as imitation lang pala tapos nabili niya ng milyones tulad ng Hermes bag na naging herpes bag. Kasi fake. Say mo?! ‘Yun na!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Milyones ang koleksiyon ng bag
Jinkee Pacquiao, puro plastik ang bulaklak sa loob ng mansion?!

  1. Bakit sa daming milyones na pera nina Jinkee at Manny, bakit hindi nila mapaayos ng maayos ang mukha nila?  Di ba may blind item na nagparetoke daw itong si Jinkee? 

  2. kahit na balutin mo pa ng mga brilyante at dolyares yan sin Jinky hindi nya maitatago ang kanyang kabakyaan at squateric na mentalidad. Sa totoo lang, nung nakita ko siyang umuwi galing america naka suot nng Burberry na palda. Biglang ako na baduyan sa aking mga Burberry accessories at ipanimigay ko na! Hindi ko binili yan sa Gen Santos City ha.

  3. c jinkee trying hard .. sana d  na lang cla nagmmalaki about sa alhas nila sa bags na mamamhalin…pareho cla  ng kanyang  c mama dionisia… ganoon nga yata ang mahirap n yumman…me alam ba kayo na mayyaman na ibinbida nila ang kanilang mga alahas  mga bahay  mga bag na hermes…para kase d maganda na parang nang iinggit pa cla ng tao…allahanin nila n maraming naggutom…iba yata c manny simple pa rin n  tao…d katulad nila nabalutan lang ng ginto…nagyabang na…mayabang ang dapat itawag s kanila….

  4. ovbious na cna korina, kris at karen ang 3k… cna korina at karen since lumipat c karen sa dos never ata clang ng-usap bkit kya?  ano kya ang ayaw ni madam koring k karen na sobrang kuripot daw, hindi nman cguru za insecure k karen kc matagal nazang reyna ng news bago pa lumipat c karen dun….bkit kya cla di pinagbabati ng station mangr. considering na nasa news clang pareho…wy o wy bkya tlaga?

    • kaya bwisit si ate koring ke karen dahil naalis nuon si ate koring dahil producer nuon ang asawa ni karen ng tv patrol at sipsip kay maria ressa na head dati ng news department ng ABS! nirailroad nila ang pagkakaalis ni korina at  inilagay sa late night news sya (bandila!) ang ginawa nila as pakunswelo de bobo “prinomote” sya as chief sa news department nila.  TV patrol has a loyal followers as well as their anchors! kaya in bad taste sa mga followers yung pamamaalam ni korina sa tv patrol at very painful yung pamamaalam nya ng live sa tv patrol! and those followers doesn’t like what they did to korina at they don’t like karen davilla!!!  kaya nga nagkaletseletse and ratings nuon ng tv patrol dahil sa ginawa ni ressaat nagsuffer din ilang news programs ng dos dahil sa palpak na pamamalakad ni ressa! kaya nung matanggal sya at mapalitan ni jing reyes ibinalik ni jing yung mga tubay at original cast ng tv patrol! and it all paid up dahil  lumakas ang tv patrol uli! kaya ngayong on top uli si ate koring ke davilla deadma sya ke koring and koring will never acknowledge her as her co-worker in ABS! Now regarding Kris and Korina no one knows what really happened between their fallout… well maybe because Kris is now a bit in good terms with karen davilla which korina will feel betrayed! after all karen did to her!

      • a ganun baang bhind da story nun, ngaun kolang nalaman tnx 2 u… ako tingin korin k karen prang my pgkaplastikada atsaka super kuriput daw yan, ni hindi marunong mgsahare ng blessings….contrary naman daw k koring na galante nman daw khit my pgka mataray…

      • me narinig pa ko na kaya nag pa pirate si karen davila sa abs-cbn kasi hindi daw pinagbigyan ng GMA ung request nya. eh ang gusto ba naman ni karen davila ay ung position ni jessica soho… who is very loyal to GMA at chaka bata pa si jessica nasa GMA news na sya. ciempre ang decision ng GMA is in-favor of jessica soho. ambisyosa talaga si karen.

  5. sana idemanda ka ni jinkee sa pinagsasabi mo na imitation lang ang herpes bag niya. baka naman naiingit ka lang kasi di ka mabigyan ng herpes bag.

Leave a Reply

Your email address will not be published.