Milyonaryong personalidad, maraming nang-uuto?!

 

NALOLOKAH NA si Gng. Milyonarya. Alam naman niya na nagbago na ang sikat niyang mister, dahil nagbalik-loob na ito sa Panginoon. Ang hindi nito kinakaya ay ‘yung pagiging galante ni mister sa mga ka-fellowship.

Nandiyang a-attend lang ng fellowship si Mister Milyonaryo, humirit lang ang pastor nito na palpak ang kanilang sound system, isyu agad ng tseke si mister ng kalahating milyon lang naman para ‘pag siya ang nagsalita sa harap, maganda ang audio at maiintindihan siya ng mga makikinig.

‘Eto pa, dahil isang pastor ang bumati sa napakagara niyang kotse, aba, isang araw, tuwang-tuwa si pastor, alam n’yo kumbakit?  Binilhan siya ng kotse ni Mister Milyonaryo. Juice ko, ano ba’ng hulog ng langit itong nangyayari, hindi ba naman?

At hindi pa natapos doon, me humirit lang na kailangan ang mas malaking venue para sa mga fellowship-fellowship. Ang Mister Milyonaryo, may-I-donate na naman ng malaking sukat ng lupa at pati construction nito ay sagot din niya.

Hindi ba naman ikalokah ‘yon ni Gng. Milyonarya?

Sey nga ng aming source, hindi raw ba parang nauuto-uto na si Mister ng kung sino-sinong lumalapit dito?

Well, siguro, kung para ke Mister Milyonaryo eh, ‘yun ang kanyang paraan para ibalik sa Panginoon ang mga biyaya, walang problema. Kaso mo, ang dami raw mapagpanggap eh, ‘yun daw ang hindi nasasala masyado ni Mister Milyonaryo.

At ang tendency daw, ‘yung mga totoong loyalista nito ay nakakalimutan na, dahil ang mga pastor ang mga bagong kaibigan ngayon nito.

Well, isipin na lang natin na ginagawa lang ni mister ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na alam din niyang makapagpapasaya sa Itaas.

“Pero sana naman, ‘wag siyang magpauto nang magpauto, dahil ang tendency ngayon, kinakaibigan na siya ng lahat ng pastor!”

(By Ogie Diaz)

 

 

 

loading...

18 thoughts on “Milyonaryong personalidad, maraming nang-uuto?!

  1. Talagang gago ka ogie the unggoy. Pa blind item mo pa angtaong ito na obvious kung sino. Duwag ka at tunay na walang bayag na binahag mo. Tumigil ka na ng pagsusulat. Ang pangit mo unggoy ogie.

  2. Mas OK na ito kaysa mga wordly material things na pagkamahal mahal pero gagamitin lang ng minsan, kagaya ng Hermes bag at yate. Nagiging materialistic na rin si Mommy Dionisia. Dasal ng dasl pero panay ang pakita ng bago niyang van na halagang 3 million. PERO HINDI NAMAN NATIN KASI SIGURADONG SI MANNY ITO.

  3. hay nako freddie ramirez, nagpapaniwala ka sa feng shui master na yan. Sana lahat ng pinoy dyan sa pinas eh magaganda na ang buhay (at wala ng masasamang elemento) dahil lahat ng sinasabing pangpa-swerte eh binibili nila taon2 tuwing Chinese New Year. Nariyan ang binibili nila ang lahat ng mga bilog na prutas at kung anong anik-anik pa pero marami pa rin mahihirap sa pinas. LOL!

    • ndi ng papalit ng religion c manny ang tinatahak ni manny ngayon ay relationship with God which is yun ang kailangan ng bwat tao ngyon.if he share his blessing ok yun dahil mas lalo sya e bless ni Lord yung mga tao cnsabi n inu uto lng c manny problema n nila yun ang mhalaga dun ng share sya at alm ko ibabalik p iyon ng Lord ky manny ng siksik liglig at uma apaw pa ok

    • if u read the bible mkikita mo dun  n hindi tayo mliligtas ng relihiyon ang mag liligtas syo ay ang relasyon mo ky Jesus ang pagtangap mo ang paniniwala mo sya ay Dyos at tagapag ligtas .

  4. DAPAT TIGILAN NA NI PACMAN ANG PAGIGING GALANTE NIYA SA MGA UNTENSIL FRIEND NIYA.. KASO NATALO NA SIYA SA HULING LABAN.. BAKA UMPISA NA NG PAGLUBOG NIYA… ESEPESEP

  5. To Ogie Diaz, 1st and foremost you dont have the right to publish these kinds of stuff coz hindi kayo close with Manny’s family. and dont you ever dare judge the pastors and the people who changed Manny. Hindi ikaw ang nakakarinig ng word ng Diyos. Kung feel ni Manny na magbigay, so what? pera mo ba yan? Now I dare you, for once. YOu attend one of their bible study sessions para malaman mo. How great, how easy it is to give kung para ni God.. I pray magbago ka..Publishing people’s life wont bring you to heaven..

  6. Kasi naman itong mga media, konting utot lang ni pacman. sinisinghot. Daming ibabalita, kung bakit masyadong naka-focus kay pacman at sa pamilya nya.

  7. Tingin ko walang intensyon ang pastor na magparinig kay pacman para mabigyan sya ng sound system. Generous lang talaga si pacman kaya nagkusang-loob sya at hindi iyon dahil sa nagpapagulang o ginugulangan sya. If I were in his shoes, i would do the same. Ganun talaga pag labis2 ang kayamanan mo, you need to share; masama ba iyon? :-D

  8. tanga mo naman ogie, bakit nasa blind item ito? eh kahit batang paslit sa liblib na lugar sa jolo eh kayang hulaan mga karakter sa sinulat mo. eng-eng

  9. Wala naman talaga dapat limitasyon kung magsisilbi ka sa dioyos, they are so blessed, so kung anu man ang nabibigay nila sa church, tama lng yun. Wag na kcng iquestion, kung yun ang nakakapagsaya sa kanya, eh di hayaan….Pili kaya c jinkee, babae ang gastusan ni pacman o simbahan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.