Milyonaryong negosyante, nilikida

CEBU CITY – KAMATAYAN ang kinahantungan ng isang 69-anyos na maimpluwensiyang negosyante makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassin sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Mandaue City, Cebu kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Antonio “Tony” Ouano, 69, nagtamo ng apat na tama ng bala sa kaliwang kamay, kaliwang dibdib at dalawa sa tiyan, kung saan binawian ng buhay sa Mandaue City Hospital.

Batay sa report ng Mandaue City Police, naganap ang krimen sa intersection na may ilang metro lamang mula sa Cebu International Convention Center bandang alas-2:15 ng hapon.

Kasalukuyang minamaneho ni Ouano ang kanyang kulay dilaw na Toyota Hi-Lux pick-up kasama ang sekretaryang si Nene Mangubat nang dikitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen. Hindi naman nasugatan si Mangubat sa nasabing insidente.

Nabatid na katatapos lang dumalo sa mediation meeting sa Palace of Justice sa Guizo ang biktima at patungo sana sa isa pang hearing sa Regional Trial Court Branch 28 kaugnay sa kaso ng kanyang kapatid na babae sa tapat ng Mandaue City Hall nang maganap ang pamamaslang, ayon sa pahayag ni P/Insp. Ramil Morpos, hepe ng Homicide Section. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.