Million worth na jewelry na gift ng singer sa kanyang misis, hulugan!

NAKAKALOKA PALANG magregalo itong singer na ito sa kanyang dyowa.

In fairness, milyon naman ang halaga kung magregalo ito pero ang nakakaloka lang ay hulugan. Ayaw niyang magbayad ng cash.

May suking alahera ang singer na ito. Kapag merong special occasion ay kadalasan jewelry ang kanyang gift sa kanyang asawa. Needless to say ay milyones ang halaga nito at pares talaga o kaya naman ay isang set.

But there’s one thing which the singer is fond of doing – hulugan kung bayaran niya ang kanyang kinuhang alahas kahit na can afford naman siyang bayaran ito ng cash.

Teka, alam kaya ng asawa ng singer na ang jewelry set na gift sa kanya ay hulugan?

(By Alex Brosas)

Previous articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 38 March 11 – 12, 2013
Next articleGanda ng hair ko!

No posts to display