Million People March sa Ayala, kasado na

KASADO NA ang panibagong kilos-protesta laban sa pork barrel na gaganapin sa Ayala, Makati City ngayong Biyernes, Oktubre 4.

Nag-inspeksyon na kahapon si Makati Police Chief Manuel Lucban kasama si Bayan Secretary General Renato Reyes sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas kaugnay ng Million People March.

Sinabi ng mga awtoridad na alas-2:00 pa lang ng hapon ay isasara na sa trapiko ang kahabaan ng Ayala Avenue bagama’t alas-3:00 ang assembly time.

Napagkasunduan din ng mga pulis at militante na walang susunuging effigy sa lugar.

Magsisimula ang natu-rang programa ng alas-5:30 ng hapon at nangako ang mga raliyistang iiwanang malinis ang Ayala pagsapit ng alas-10:00 ng gabi.

Samantala, hinimok naman ni Reyes ang mga empleyado sa Makati na dumiretso sa ika-limang kilos-protesta para ipakita ang suporta sa pagbuwag sa pork barrel.

Maaalala na unang nagsagawa ng Million People March laban sa pork barrel sa Luneta.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.