Million people march dadalhin sa Ayala

MULA SA Luneta, dadalhin ang sigaw laban sa pork barrel sa Ayala sa Makati City sa Oktubre 4, Biyernes.

Maaalala na noong Agosto 26 nang unang dagsain ang Million People March sa Luneta, kasabay ng National Heroes Day. Nasundan pa ito sa Guadalupe Shrine kamakailan.

Idinisenyo ang pagkilos sa Ayala para aniya mabuksan ang kamalayan ng mga empleyado sa Makati na “hindi pa nakakasali” sa mga ganitong protesta at maging sa nasabing isyu.

Itinakda sa Biyernes, alas-3:00 ng hapon, ang Million People March para mahikayat ang mga pauwi nang mga young professionals at business executives ng Ayala na makiisa lalo’t weekend kinabukasan.

Hanggang alas-5:00 aniya ang hintayan, ngunit ang naturang programa ay tatagal hanggang alas-10:00 ng gabi.

Inaasahan pa rin na maraming tao ang makikiisa. Naniniwala ang organizer na nakatutok ang sambayanan.

Inaayos na rin ang kaparehong team noon sa Luneta ang pakiki-pag-ugnayan sa mga kapulisan tulad ng rerouting at iba pang permit.

Samantala, tuloy ang nasabing pagkilos dahil hindi lamang ang PDAF at pork barrel ang isyu ng mga nasa Million People March, kundi maging ang transparency at accountability sa mga nagkasala at nasa likod ng scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.