Military Truck vs. Bus: Sundalo, Patay; 14 Sugatan

PATAY NANG idating sa pagamutan ang isang army sergeant habang sugatan ang 14 na iba pa matapos magsalpukan ang isang 6×6 military truck at passenger bus national highway ng Barangay Susugaen, Pasuquin, Ilocos Norte nitong nakalipas na Huwebes ng madaling-araw.

Sa report, nawalan umano ng kontrol ang military truck ng 41st Infantry Division ng Philippine Army kaya sumalpok sa kasalubong na Florida busline.

Dahil sa lakas ng impact at bilis ng takbo ng truck ay dumiretso pa ito sa isang bahay sa gilid ng highway.

Namatay si Sergeant Anastacio Fernandez dahil sa mga tinamong malubhang sugat habang isinugod sa ospital ang kasama niyang 14 pang sundalo.

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng bus.

Nabatid na galing sa Cagayan ang mga sundalo at pabalik na sana sa kampo sa Abra nang maaksidente.

(EUNICE C.)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.