Military Truck, Naaksidente; 9 na Sundalo, Sugatan

NAGTAMO NG pasa, bukol at sugat ang siyam na sundalo makaraang sumalpok sa center island ng Sayre Highway sa Bukidnon ang kanilang sinasakyang military truck makaraang umiwas sa makakasalubong na motorsiklo kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SPO2 Ruel Sapanta, Duty Traffic investigator ng Maramag Police station dakong alas-2:30 ng umaga kahapon nang maganap ang pagkakasalpok ng trak sa isang center island ng kahabaan ng Sayre Highway, North Poblacion sa Maramag, Bukidnon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis na tumatakbo ang 6×6 military truck sa sayre highway ng makasalubong ang humaharurot na motorsiklo  na halos sumalpok  na sa trak dahilan para umiwas ang driver nito  at sumalpok sa center island.

Sinabi pa ni Sapanta na ang 9 na sundalo ay miyembro ng 8th Infantry Division isa ay may ranggong  corporal at 8 naman ay private first class na agad isinugod sa pagamutan.

Agad namang nakatakas ang drayber ng motorsiklo matapos ang insidente na ngayon ay target na ng manhunt operation ng pulisya.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.