Military official, itinangging kasama sa pinangyarihan ng landmine attack sa Davao

DAVAO CITY – KINUMPIRMA ni Lt. Colonel Adolfo Espuelas, commanding officer ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army na may nangyaring landmine attack sa Malita, Davao del Sur.

Subalit itinanggi nito na kasama siya sa grupo ng mga opisyal na tumungo sa naturang lugar, kung saan naganap ang pagsabog ng landmine na ikinasugat ng limang sundalo.

Ito ay kaugnay ng lumabas na report na hindi natamaan ng pagsabog ang kanyang sasakyan at sa halip ay ang nasa hulihan ng convoy ang natamaan.

Ang nasabing lugar ay area of responsibility na ng 39th IB, Philippine Army, ani Espuelas.

Nagkaroon din ng malulubhang sugat ang mga sundalo sa naturang insidente, dagdag pa ng naturang opisyal.

Una nang pinagdudahan ng militar na kagagawan ng mga rebelde ang naturang landmine attack. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.