Militanteng Grupo at mga Pulis, Nagkagirian sa DENR Office

MULING SUMIKLAB ang tensyon sa pagitan ng grupo ng mga militante at hanay ng Quezon City Police District (QCPD) sa rally sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

Sumugod ang may 60 kasapi ng grupong Katribu para batikusin ang paggawad ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Sagittarius Mines Inc. (SMI)-Xstrata.

Pinagbabato nila ng pintura ang tanggapan ng DENR at nasabuyan pati mga pulis, kaya nagkagirian ang dalawang panig.

Muli namang humarap sa mga militante si QCPD Station 2 Chief Superintendent Pedro Sanchez na minsan nang nasugatan sa rally sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) matapos kuyugin.

Samantala nagkakaroon din ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng militante at pulis.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.