Militante vs Parak, Nagkagirian sa Maynila

NAGKAGIRIAN SA Maynila ang mga militante at pulis dahil sa isinagawang protesta laban sa nakaambang pagpasok ng tropang Amerikano sa Pilipinas.

Unang nagtipon ang mga kasapi ng Kilusan para sa Pambansang Demokrasya upang magsagawa ng programa.

Pero kumawala ang isang grupo at tinangkang lumapit sa US Embassy.

Wala namang pasok kahapon sa embahada kaugnay sa paggunita ng ika-237 anibersaryo ng US Independence.

Naging maagap naman ang Civil Disturbance Management (CDM) unit at naharang ang mga nagpo-portesta sa Plaza Ferguson, bagama’t nagkatulakan at nagkahabulan pa.

Samantala, dahil sa pagharang ng mga awtoridad, bukod sa mga Amerikano ay tinuligsa na rin ng mga militante ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.