Militante, Humiga sa Gitna ng EDSA; Daloy ng Trapiko, Naantala

NAANTALA ANG daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA northbound lane sa Quezon City matapos humiga sa gitna ng kalsada ang mga militante kahapon.

Alas-10:00 ng umaga nang humiga ang mahigit 50 miyembro ng grupong Kadamay at ilang residente ng North Triangle sa gitna ng kalsada bago dumating ng Trinoma Mall, dahilan ng pagsisikip ng trapiko at hindi makadaaan ang mga sasakyan.

Wala namang nagawa ang mga awtoridad kundi patapusin na lamang ang demonstrasyon ng mga militante.

Nagpo-protesta umano ang nasabing grupo bilang paggunita sa ikalawang taong anibersaryo ng marahas na demolisyon sa nasabing lugar, kung saan humarang din noon sa EDSA ang daan-daang residente at ito rin ay protesta laban sa napipintong muling demolisyon sa kanilang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.