MILF, umiskor na naman 3 sundalo patay; 3 iba pa, sugatan sa atake sa Lanao del Norte

MULING NAKAISKOR ANG umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan nang mapaslang ang tatlong miyembro ng militar habang tatlong iba pa ang sugatan sa panibagong insidente ng ambush sa may bahagi ng Paran Road, Lanao del Norte kahapon ng umaga.

Base ito sa ulat ni Philippine Army, acting spokesperson Major Harold Cabunoc.

Nabatid na inambus ang mga tropa ng 104th Brigade ng Philippine Army ng mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kahapon ng alas-12 ng tanghali, nagpadala na ng karagdagang puwersa ng militar sa pinangyarihan ng pananambang para sa reinforcement.

Una rito, kinumpirma rin ni Cabunoc na anim katao kabilang ang limang sibilyan at isang Cafgu member ang patay matapos tambangan ng mga pinaghihinalaang kasapi ng MILF sa bayan naman ng Sumisip, Basilan.

Maliban sa mga nasawi, walong iba pa ang sugatan.

Batay sa inisyal na report, nangyari ang ambush incident habang patungo umano ang mga biktima sa isang rubber plantation sa Sitio Along-Along.

Sinasabing pinamumunuan ng isang Hassan Asnawi ang may 40 armadong rebelde na nagsagawa ng nasabing pananambang. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.