MILF Members na Tatakbo sa Eleksyon, Pinaaatras

NANAWAGAN ANG pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga miyembro nito na tatakbo sa nalalapit na halalan sa May 2013 na umatras sa kanilang kandidatura sa Koronadal City.

Inihayag ng liderato ng MILF na mariing ipinagbabawal sa kanilang mga miyembro at mga kamag-anak ng mga ito ang paglahok sa eleksyon sa bansa base na rin sa ipinalabas na policy nito noong 1984, subalit maaari namang makaboto ang mga ito sa darating na halalan.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng pamunuan ng MILF sa mga tumakbong miyembro nito na umatras sa kanilang pagtakbo sa eleksyon dahil walang suporta na maasahan ang mga ito.

Sinabi pa rin ng nasabing grupo na nagdulot ng paghati-hati ng mga tao ang halalan sa bansa kung saan malaking pera ang ginagasta ng mga kandidato na nagiging sanhi ng korapsyon sa sandaling mahalal ang mga ito maliban pa sa mga karahasan na hatid ng eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.