MILF, Malamig sa ‘Wealth-Sharing Annex’

MALAMIG ANG pagtanggap ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinusulong na amyenda ng pamahalaan sa usapin ng “wealth-sharing annex” para sa nilulutong Framework Agreement.

Ayon kay MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, bagama’t nabasa na nila ang kopya ng naamyendahang dokumento, pero mas pipiliin aniya nila ang orihinal na napagkasunduan ng dalawang panig sa naunang pag-uusap noong Pebrero.

Ngayong araw, muling magtatagpo ang dalawang partido sa Kuala Lumpur, Malaysia para ipagpatuloy ang pag-uusap matapos itong maantala ng apat na buwan.

Inihayag ni government chief negotiator Miriam Ferrer na kapwa hangad ng pamahalaan at MILF na matapos na ang mga kontrobersyal na isyu sa lalong madaling panahon at maalis na nang tuluyan ang agam-agam sa takbo ng negosasyon.

Una nang sinabi ni Ferrer na naging maingat lamang ang pamahalaan sa wealth-sharing compromise para maiwasan ang problemang ligal at sa pulitika kapag pinagtibay na ang nasabing kasunduan.

Samantala, hangad daw ng gobyerno na maging malinaw ang taxing powers at hatian ng resources sa Bangsamoro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.