MILF KUMANDER DEDO SA CVO

PATAY ang isang mataas na lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang mabaril ng isang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ni Colonel Prudencio Asto, tagapagsalita ng 6th Infantry Division,ang napatay na si Ustadz Aliman Ungkia, mas kilala bilang Kumander Aliman ng 108th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

Ayon sa opisyal, nagkaasaran ang grupo nina Suren Kanakan, lider ng mga armadong CVO sa Barangay Langganapan, Sultan Sabarongis, at ni Ungkia habang nagku-kopra ng mga niyog na inaangkin ng mga nasabing CVO.

Matapos ang nasabing insidente, umuwi ang grupo ni Kanakan na agad ding bumalik makalipas ang ilang minuto bitbit ang mataas na kalibre ng baril at agad na pinagbabaril ang MILF kumander na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Kaagad namang duma-ting ang may 20 armadong MILF na mga kasamahan ni Ungkia at dito na nagsimula ang putukan na umabot sa mahigit isang oras.

Kumalma lamang ang sitwasyon nang dumating ang mga opisyal at lider ng mga Muslim kasama ang mga miyembro ng MILF Ceasefire Committee.

(ROMY TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.