MILF, Gagalangin ang Election Gun Ban

TINIYAK NG Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tatalima ang kanilang grupo sa umiiral na election gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay MILF spokesperson Von Al-Haq, nagpalabas na ng memo ang MILF leadership para sa lahat ng kanilang miyembro hinggil sa umiiral na batas laban sa pagbibitbit ng armas.

“Members of the Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) are prohibited from roaming around urban areas and highways to avoid violating the Comelec gun ban,” ani Al-Haq.

Maliban dito, mahigpit din umanong susundin ng kanilang grupo ang umiiral na ceasefire mechanism kaugnay sa nagpapatuloy na peace negotiations sa pagitan ng gobyerno ng bansa.

“All alleged violations will be investigated and the findings will be submitted to the Disciplinary Board for them to determine what violation was committed and its corresponding sanction and punishment,” saad pa ng opisyal.

Samantala, una ng inihayag ng Comelec na maging ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay kailangan ding mag-apply ng gun ban exemptions dahil hindi naman umano ito saklaw sa nabuong framework agreement sa pagitan ng pamahalaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.