MILF Commander, Patay sa Sagupaan sa Sultan Kudarat

PATAY ANG ISANG lider ng Moro Islamic Lebaration Front (MILF) matapos na makasagupa nito ang grupo ng Bangsa Islamic Fredom Fighters (BIFF) na sumugod sa kanila sa bahagi ng Sitio Baumol, Barangay Pidtiguian, Lambayong, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, acting spokesman ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA), ang nasawi ay kinilalang si MILF 106th Bangsa Command Commander Sampulna Baumol.

Nangyari ang enkwentro ng MILF sa pangunguna ng nasawing si Baumol at BIFF na pinamumunuan naman ni 108th Bangsa Command Commander Gane Saligan dakong ala-1 kahapon sa nasabing lugar matapos na sumalakay ang grupo ni Saligan sa kuta ni Baumol.

Sinabi pa ni Asto na rido o agawan sa lupa ang sinasabing dahilan ng pagsugod ng grupo ni Saligan na matapos ang dalawampung minutong palitan ng putukan ng baril at matiyak umanong nasawi na si Baumol ay kusa ring umatras ang grupo ni Saligan.

Samantala, wala naman naiulat kung ilan ang sugatan sa magkabilaang panig matapos ang nasabing sagupaan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.