Miley Cyrus, itinangging may eating disorder siya kaya nangangayayat!

TODO-TANGGI ANG singer-actress na si Miley Cyrus sa mga tsismis na diumano ay may eating disorder siya kaya siya pumapayat lately.

Ayon sa kanyang interview sa isang German magazine na Bravo, ang pilates daw at ang new diet ang dahilan kung bakit nagiging payat ang anak ni Billy Ray Cyrus.

Paliwanag ni Miley, “I love that my fans think about me. But I’m healthier than ever! I’m neither anorexic nor do I have psychological problems or cut myself. Really, I’m as fit as a fiddle and in a great mood! I learned that it is irrelevant what I do – somebody will take offense anyway. If I lose a few pounds because I changed my diet, I’m anorexic. When I used to have a few pounds more, I was called fat. I have sex, I’m a slut. If I don’t have sex, I’m a loser. What’s up with that? Therefore I live my life how I want – and I am happy with it. If this bothers somebody, they have to cope with that themselves.”

Suportado naman si Miley ng kanyang boyfriend na si Liam Hemsworth, “Liam is happy because I feel better now than before. He supported me to change my diet.”

 

SA KABILA NG BAD PUBLICITY: JOHN TRAVOLTA, TULOY ANG BAGONG PELIKULA!

 

DAHIL SA sunud-sunod na hindi kagandahang balita kay John Travolta, kumalat kamakailan na tinanggal na raw ang aktor sa original casts ng “Gotti: Three Generations.

Matatandaang apat na lalaki ang nag-akusa sa aktor ng pangmomolestya diumano na nauwi rin naman sa pag-atras sa kaso ng dalawa at hindi naman ng pagsampa ng dalawa pa.

Pero ayon sa executive producer ng “Gotti: Three Generations” na si Marc Fioreay, walang katotohanan ang kumakalat ng tsismis na tinanggal na nila ang aktor na gaganap na John Gotti, Sr.

“The story is ridiculous. I don’t know why someone would say something so silly. I would not walk away from my movie because of bad PR. We are moving full steam ahead and John Travolta is still playing Gotti. John has been around quite a while… bad PR means good box office. I’m not too worried about it to be quite honest about it,” giit ni Fiore sa E! News.

Mag-uumpisa na ang shooting ng bagong movie ni John sa November at balita ring makakasama sa naturang movie ang asawa nitong si Kelly Preston bilang Victoria Gotti at ang kanilang anak na babae na si Ella Bleu Travolta na gaganap naman na Angel Gotti.

 

HUGH HEFNER, NAKIPAGBALIKAN SA EX-GF NA NAG-BACKOUT SA KANILANG KASAL!

 

MATAPOS MAG-BACKOUT sa pagpapakasal sana noon, nakipagbalikan na rin ang Playboy playmate na si Crystal Harris sa kanyang Playboy mogul boyfriend na si Hugh Hefner.

At sa kanyang pakikipagbalikan kay Hugh ay balik Playboy Mansion na rin si Crystal.

Sa kanyang tweet ay ipinahayag ng jowa ni Hugh, “Yes @hughhefner and I are back together. Yes I am his #1 girl again. Yes we are happy. Hope that clears up any confusion! XO.”

Hindi naman daw nakapagtataka na tanggapin ni Hugh si Crystal dahil tanging si Crystal lang daw talaga ang minahal nito sa lahat ng babaeng minahal niya, ayon sa isang malapit kay Hugh.

“He loved Crystal more than he had loved any woman in a very long time, that’s why he was willing to marry her when there were so many women before her who he couldn’t properly commit to. She had a hold on him that he has never been able to shake. And so it’s of no surprise to me that he would get close to her again. He can’t help himself. He has a deep connection to her.”

Pero wala pang kumpirmasyon kung magpapakasal bang muli ang dalawa.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.