Mike Tan, matapos magbida sa serye, supporting na lang ang role

MULA SA pagbibida, supporting ang role ngayon ni Mike Tan sa Mga Basang Sisiw. Pero aprubado raw ito ni Mike, dahil ang mahalaga raw sa kanya ay may trabaho siya at maganda naman daw ang role na ibinigay sa kanya ng GMA-7 sa said soap.

“Sa akin naman, lagi kong sinasabi sa sarili ko na inaalagaan ako ng GMA, kung ano ‘yung ibibigay nila sa aking proyekto, ‘yun ang gagawin ko. Kung ano’ng ibibigay nila sa aking trabaho ‘yun ‘yung gagawin natin.

So okey lang sayo na magbida ngayon, tapos sa susunod support naman o kontrabida?

“Kontrabida welcome sa akin ‘yun. Para siyempre maipakita natin ‘yung versatility natin bilang actor. Ah… support siyempre nandyan pa rin ‘yun, hindi naman nawawala ‘yun. Ayoko rin naman kasing sabihin sa akin na leading man ka, leading man ka lang.

“Ang mangyayari du’n, ang alam ko leading man na ako ‘di ba? Pero nabigyan ako ng support role, malulungkot ako kasi naka-set na ‘yung mind ko sa ganu’n. Hindi ko matatanggap ‘yun. Pero kung ang iniisip ko, artista ako, kaya kong gawin lahat ng charcter na ibibigay sa akin, ‘yung mga roles na ibibigay sa akin, mas madali ‘yun.

“Kumbaga ‘yun kasi talaga ‘yung gusto ko. Ang target ko kasi, mag-grow ‘yung pagiging artista ko. Hindi ‘yung ma-stuck na lang ako sa ginagawa ko. Mas maganda ‘yung may iba ka ring ginagawa bukod sa ginagawa mo ngayon, para iba-iba.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.