Mike Tan & Louise delos Reyes: It’s Better When We’re Together!

Mike-Tan-Louise-delos-ReyesMIKE TAN
Real Name: Jan Michael Silverio Tan
Birthdate: December 31, 1986
Zodiac Sign: Capricorn
Ruling Planet: Saturn
Quality: Cardinal
Element: Earth
Basic Trait: I Use
Closest Metal: Lead
Lucky Day: Saturday

LOUISE DELOS REYES
Real Name: Mary Grace Perido
Birthdate: September 1, 1993
Zodiac Sign: Virgo
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth
Basic Trait: I Analyze
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday

PINUPURI NG fantaserye lovers ang Kambal Sirena ng GMA 7. Alam namin na mas sikat ang sirenang sumisisid sa kabilang bakod, pero hindi naman maipagkakailang lumalaban din ang programa ng Siyete. Consistent din ang pagbababad ni Louise delos Reyes sa Primetime (One True Love at Mundo Mo’y Akin) at mukhang desidido ang Kapuso Network na lalong pabonggahin ang karera ng dalaga.
First time din niyang nakatambal sina Aljur Abrenica at Mike Tan. Nagtataka nga kami kung bakit mas pinapaboran si Aljur over Mike sa promotion ng show kahit pa mas may ibubuga naman sa aktingan ang huli. Dahil d’yan, sina Mike at Louise na lang ang ipagpapares namin, huh!
In a relationship sa totoong buhay sina Mike Tan at Louise delos Reyes sa kani-kanilang dyowa. Kung sakali kaya ay may tsansang maging sila rin sa huli kahit dehado sa promotions ng palabas ang binata?
Realistic at level-headed ang mga Capricorn at Virgo. Ito nga siguro ang dahilan kung bakit malapit ang swerte sa kanila. Dependable din sila at matured mag-isip. May pagkakaiba rin sila, pero pagdating lang sa pamamaraan ng pagharap sa mga hamon ng buhay. OC sa pagpa-plano ang Capricorn at gusto niya na ang lahat ay nasa ayos. Ang Virgo naman ay mas naniniwala sa skills at effort. Either way, pareho silang boom na boom sa success! Pak!
Seryoso sa buhay ang dalawang ito kaya kung minsan ay nakalilimutan nila ang depenisyon ng ‘fun’ sa relasyon. Dahil dito, kailangan nilang um-effort nang bonggang-bongga para maisalba ang kanilang pagsasama. Isa lang ang goal ng Capricorn sa buhay – to be on top of everything. Kung may gusto itong marating, focused talaga ito at willing itong ipagpaliban ang lablayp. Sa bagay na ito ang nagko-compliment sila ng Virgo dahil willing naman itong magbigay ng suporta. If you love someone, you must support them ang peg ng match na ito.
Ang pagsasama ng babaeng Virgo at lalaking Capricorn ay almost perfect. Bakit? Matured silang mag-isip at hindi basta-bastang natitinag ng kung anik-anik na dagok sa life. Ini-impluwensyahan nila ang isa’t isa na gumawa nang mabuti sa buhay para sa ikauunlad nila bilang mga indibidwal na nilalang. Seryoso sila sa relasyon, pero seryosong pag-iibigan ito, mga tsong at tsang!
At dahil sa readings na ‘yan, I therefore conclude that the Mike-Louise love compatibility is near to perfection! Take a leap and jump to the love pool!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.