Mike Tan, kinawawa sa billing?

Mike-TanWALA RAW sama ng loob si Mike Tan sa GMA 7 kung wala man sa billboard ng Kambal Sirena ang kanyang litrato, kung saan si Aljur Abrenica lang at Louise Delos Reyes ang naroroon.

Tsika nga ni Mike na okey lang naman sa kanya dahil support lang naman siya sa soap na ito, kaya naman hindi siya nag- e-expect na makakasama sa said billboard.

Ang mahalaga raw kay Mike, may trabaho siya at hindi nababakante. Thankful na raw siya sa GMA 7 dahil binigyan siya ng trabaho. Wala raw sa sistema nito ang magreklamo at mainggit. Para sa kanya, thankful na raw siya sa mga blessings na dumadating sa kanya.

Imbes nga raw intindihin ang mga sinasabi ng mga tao na dapat ay nasa billboard siya dahil malaki ang role niya sa Kambal Sirena, pinagbubuti na lang ni Mike ang kanyang pag-arte sa said soap nang sa gayon ay magkaroon pa siya ng mas maraming proyekto sa kanyang home studio.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Mike Tan, kinawawa sa billing?

  1. Puro si Aljur Abs lang priority ng GMA. Kung na-groom sana as a leading man si Mike Tan noon pa malay0 mararating nito

  2. forever starlet na lang talaga si mike tan, kawawa naman tagal na niyang artista wala pa ring nararating ang career sa siyete

Leave a Reply

Your email address will not be published.