Mike Tan, humahabol kay Aljur Abrenica

Mike-TanPINAGHANDAAN DAW talaga ni Mike Tan ang kanyang role sa Kambal Sirena. Dalawa sila ni Aljur Abrenica na leading man ni Louise delos Reyes sa fantasy series na ito ng GMA 7.

Ginagampanan ni Mike ang character ng isang mangingisda na iibig sa sirenang si Alona habang si Aljur naman na isang dolphin trainor ay mai-inlove sa twin sister nitong si Perlas.

Kagaya ni Aljur, may mga eksena rin si Mike na kailangang magpakita ng katawan. Kaya kinailangan niyang mag-effort para mapaganda pang lalo ang kanyang katawan.

“Kailangan kong humabol sa mga katawan nila… kay Aljur, kay Polo (Ravales), pati kay Pancho,” pagtukoy pa ni Mike sa mga Kapuso hunk na kasama niya sa cast ng Kambal Sirena. Lagi akong nagdyi-gym. Hangga’t kaya, pupunta ako sa gym. And so far, yes… na-achieve ko naman ‘yong gusto kong pangangatawan. Although alam natin na kulang pa, pero at least nando’n tayo sa range na ‘yon.”

It’s his first time to work with Louise. Pero madali naman daw silang naging komportable sa isa’t isa.

“Ako naman, lagi akong umaarte kung ano ‘yong kailangang ibigay sa akin, eh. I don’t know do’n sa chemistry, pero sa tingin ko kung totoo ‘yong pag-arte n’yo kapag tinatanggap n’yo ang isa’t isa, doon nabubuo ‘yong chemistry. Louise is very professional. Kahit pagod na. Kahit alas-tres na ng umaga kung kailangan siyang dalhin sa dagat, never siyang umangal.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.