Mike Tan, ‘di nanghihinayang kung ‘di napasama sa My Husband’s Lover

WALA RAW halong panghihinayang sa part ni Mike Tan kung hindi man siya pinalad na mapasama sa hit primetime soap ng GMA-7, ang My Husband’s Lover, kung saan nag-audition ito sa role na napunta kay Tom Rodriguez.

Ayon nga kay Mike nang makausap namin, “Hindi, hindi naman ako nanghihinayang. Kasi una sa lahat kung si Tom (Rodriguez) man ‘yung natanggap du’n, para sa kanya talaga ‘yun. Ibig sabihin, hindi para sa akin. Kaya nga may audition kasi pumipili sila ng mas babagay na artista para sa character na gagampanan.

“Ibig sabihin, may nakita sila kay Tom na parang magpi-fit talaga sa kanya. Eh, ganu’n naman talaga, hindi tayo natanggap, so hindi talaga para sa akin.

“Kasi kung para sa akin ‘yun, ako ‘yung mapapanood n’yo roon sa show. Pero hindi pinalad, kaya naman okey lang.

Pero gusto mo ba sana na mapasama sa My Husband’s Lover, lalo na’t nag-click ito ngayon?

“Oo, kaya nga ako nag-audition, kasi ‘yung role du’n iba talaga, hindi ko makita si Mike Tan, ibang-iba talaga, very challenging ‘yung role. Kung gagawin ko ‘yung role na ‘yun, kung saka-sakaling ako ‘yung nakuha, isang panibagong pag-arte ‘yun, challenge talaga ‘yun para sa akin.

“Kaya lang katulad ng sinabi ko si Tom ‘yung nandu’n , para kay Tom ‘yun at hindi kay Mike.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Mike Tan, ‘di nanghihinayang kung ‘di napasama sa My Husband’s Lover

  1. Tama ka mike Tan, baka kung napunta sa yo ang role, eh nasa kangkungan ang ratings ng serye. Hindi ako basher. Pero, sinasabi ko ang maaring consequence kung di kayo makaroon ng chemistry ni Dennis Trillo sa screen…

Leave a Reply

Your email address will not be published.